'The Magician' pa rin: Efren 'Bata' Reyes, pasok na sa semi-finals

'The Magician' pa rin: Efren 'Bata' Reyes, pasok na sa semi-finals

- Pasok na sa semi-finals ang Philippine billiards icon na si Efren "Bata" Reyes

- Sa edad niyang 65, tila nahirapan pa rin siyang talunin ng kanyang nakalaban mula Thailand

- Positibo si Reyes na makakakuha siya ng unang ginto sa Southeast Asian Games

- Malaki ang lamang ni Reyes sa katunggali nito na 64 puntos kung susumahin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aabante na sa semi-finals ang Philippine billiards icon na si Efren "Bata" Reyes matapos niyang talunin si Punyawee Thongchai sa kanilang match na ginanap sa Manila Hotel tent ngayong Miyerkulas, Disyembre 4.

Ayon sa Philippine Star, wagi ang pambato ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games 1-cushion opener laban sa Thailand.

Tila di kinakitaan ng anumang hirap si Bata na makapuntos ng 45 -10 laban kay Punyawee.

Di nagtagal, 50- 14 ang kanilang naging puntos.

Bagaman at may pagkakataong siya ay naghinayhinay sa mga tira, mabilis pa rin niya itong nababawi dahilan upang siya ang tanghaling panalo.

Dahil dito, pasok na ang ating pambato sa semi-finals.

Positibo rin si Reyes na masusungkit niya ang kanyang unang ginto sa SEA Games ngayong taon sa kabila ng pagiging world champion sa billiards. Ayon sa kanya, ang ginto medalya na lamang sa SEA Games ang kulang sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panayam sa kanya ng Rappler, nasabi ni Bata na gagawin niya ang lahat upang mapasa-atin pa rin ang ginto sa larangan ng billiards.

Kilala rin si Bata bilang si "The Magician" na nagwagi sa 70 na international championships sa kanyang larangan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel