Ama ng 1 atleta mula sa Indonesia, pumanaw habang lumalaban anak

Ama ng 1 atleta mula sa Indonesia, pumanaw habang lumalaban anak

- Matapos makasungkit ng dalawang ginto ang atletang si Edgar Xavier Marvelo mula sa Indonesia, isang malungkot na balita ang nalaman nito

- Habang lumalaban si Marvelo sa World Trade Center nitong Martes para sa 30th SEA Games ay namatay ang ama nito

- Nalaman na lamang ng atleta ang masamang balita matapos nitong manalo

- Hindi naman nasabi kung ano ang ikinamatay ng ama ni Marvelo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ng mga atleta mula sa bansang Indonesia matapos makatanggap ng masamang balita.

Napag-alamang nasawi ang ama ng isa sa mga ito na si Edgar Xavier Marvelo na nakasungkit ng dalawang ginto mula sa Daoshu at Wushu events.

Ayon sa Facebook post ng 2019 SEA Games, namatay ang tatay ni Marvelo habang lumalaban siya sa World Trade Center nitong Martes para sa 30th SEA Games.

Nalaman na lamang ni Marvelo ang pagpanaw ng ama matapos nitong manalo.

Bumuhos ang luha ng mga kapwa nito Indonesian athlete dahil sa balita.

Samantala, hindi naman nasabi kung ano ang ikinamatay ng ama ni Marvelo.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga Pinoy netizens para sa dayuhang atleta na kasalukuyang nasa bansa.

"Our hearts out for you dear athlete! Congratulations for sure your father is so proud of you and is now watching you from above.. Stay strong!"

"Congratulations athlete! Condolence to you, God has a purpose, keep strong and inspire other."

"From us in the Philippines, you stood strong and inspiring...congratulations!"

"Your father must be very proud of you. Congrats on your success our Indonesian brother! "

"A true athlete. Congratulations and condolence to you our Indonesian brother. Your papa must be smiling down from heaven as he is so proud of you."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Aso
Mailfire view pixel