OFW na mister, sinurpresa ang mag-ina niya nang umuwi siya ng Pinas

OFW na mister, sinurpresa ang mag-ina niya nang umuwi siya ng Pinas

- Naghanda ng isang surpresa ang mister na nagtatrabaho sa abroad para sa kanyang misis

- Sinurpresa ni mister ang misis at anak niya nang muli siyang maka-uwi ng Pilipinas

- Labis ang gulat ni misis nang padalhan siya ng mga regalo ng mister niya at nang bigla itong lumabas sa van

- Maging ang mga netizens ay kinilig at na-touch sa surpresa ni mister sa mag-ina niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naghanda ng bonggang surpresa ang isang mister na overseas Filipino worker (OFW) para sa kanyang asawa at anak.

Nalaman ng KAMI na ang surpresa ay para na rin sa kanyang muling pag-uwi sa Pilipinas.

Ibinahagi ng Facebook page na ShopBest-My Best Shoppers ang video kung saan sinurpresa ni Paul Ronario ang kanyang asawa na si Auroralyn Ronario.

Makikita sa video na sinurpresa ng isang babae si misis sa bahay nito. May pinadala si mister na bulaklak, cake, at iba pang regalo para sa asawa niya. Samantala, may isang malaking teddy bear naman para sa anak nilang lalaki.

“I love you so much sa inyo ng anak naten i will do all para sa kinabukasan ng pamilya naten mahal na mahal ko kau,” sabi ni Paul sa sulat na binasa sa mag-ina.

Sabi ng babaeng nag-deliver ng mga regalo, may isa pa raw package na dapat kunin sa van. Laking gulat ni misis nang biglang lumabas ang kanyang mister sa sasakyan.

Naging emosyonal ang mag-asawa sa kanilang muling pagsasamang pamilya. Natuwa si misis sa surpresa ng kanyang mister.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kinilig at na-touch din ang mga netizens sa naging surpresa ni mister sa misis niya. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Sweet nya Sana all”
“ang sarap ng feeling....”
“Woow kilig nman si akits dto. Sana all”
“galing mag surprise ni kuya sana all”
“Wow sana all,ang sweet nila kakakilig nman”
“Wow naman sobra touch ako”
“Sana ako din masurprise ko rin anak ko”
“naiyak ako ..ang sweet naman ni kuya”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We have a new episode of our Tricky Questions feature and our respondents were very eager to answer our crazy and bizarre questions! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel