Pangulong Duterte, game na sinagot kung ano ang kanyang hiling sa Pasko

Pangulong Duterte, game na sinagot kung ano ang kanyang hiling sa Pasko

- Game na game na sumagot sa ilang personal na katanungan si Presidente Duterte sa panayam dito ng Unang Hirit

- Sa ika-20 anibersaryo ng Kapuso morning show, nagpaunlak ng interview si Digong sa mga hosts nito

- Halata naman ang galak sa mga beteranong journalist na sina Arnold Clavio at Susan Enriquez

- Kabilang sa mga sinagot ng pangulo kung ano ang kanyang hiling para sa Pasko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Game na game si Pangulong Rodrigo Duterte na sumagot ng ilang personal na katanungan sa isang panayam dito ng Kapuso morning show na Unang Hirit.

Nagpaunlak ng panayam ang pangulo para sa ika-20 anibersaryo ng programa.

Halata naman ang galak sa mga beteranong hosts at broadcast journalist na sina Arnold Clavio at Susan Enriquez sa nasabing interview.

Lahat kasi ng kanilang mga tanong ay walang patumpik-tumpik na sinagot ng pangulo.

Kabilang sa mga natanong ay kung ano ang hiling nito para sa sarili sa darating na Pasko.

Ayon kay PRRD, wala na siyang hinihiling para sa sarili dahil puro sa bayan na lamang ang kanyang idinadasal.

Pero kung may gusto man daw siya, isang motorsiklo sana ang kanyang wish.

Batid naman ng marami na mahilig ang presidente sa motor.

Katunayan, sa parehong interview, sinabi nitong titigil lamang siyang mag-motor kung siya ay wala na.

Samantala, sinagot din nito kung sino ang kanyang ka-text bago matulog, pero sabi ni PRRD, hindi na siya nakikipag-text pa kapag siya ay matutulog na.

At ang una naman nitong ginagawa sa umaga ay ang mag-exercise.

At ang kantang "All I want for Christmas is you" ay inaalay daw nito sa kanyang dalawang asawa.

Ilan lamang ito sa personal na ibinahagi ng pangulo tungkol sa kanyang personal na buhay.

Binati naman ng pangulo ang programa sa kanilang anibersaryo at isang magandang mensahe ang ipinabatid nito tungkol dito.

At sa huling bahagi ng panayam, isang munting regalo mula sa Unang Hirit ang ibinigay nila sa pangulo.

Game na game rin si Pangulong Duterte na naki-caroling sa mga ito kasama pa si Senator Bong Go na bumati rin sa programa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel