22 anyos na lalaki, ginasgasan ang display na BMW para bilhin ng tatay niya sa kanya

22 anyos na lalaki, ginasgasan ang display na BMW para bilhin ng tatay niya sa kanya

- Isang 22 anyos na lalaki ang nagpumilit na bilhan siya ng tatay niya ng brand new na kotse

- Pumunta sa showroom ng BMW ang lalaki upang tumingin ng kotse na ipapabili niya

- Subalit, sabi ng tatay ay maghanap na lang siya ng ibang kotse na mas mura sa BMW

- Dahil sa inis ng anak, ginasgasan niya ang dark blue sedan para mapilitan ang tatay na bilhin ito para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 22 anyos na lalaki ang gumawa ng hindi inaasahang eksena sa showroom ng mga kotse sa China.

Nalaman ng KAMI na ginasgasan ng lalaki ang isang naka-display na BMW para bilhin umano sa kanya ng tatay niya.

Ayon sa ulat ng Rachfeed, pumunta si Ji Moubing sa showroom ng BMW at agad niyang nagustuhan ang dark blue na sedan. Nangako raw ang tatay niya na bibilhan siya ng kotse matapos makakuha ng lisensya.

22 anyos na lalaki, ginasgasan ang display na BMW para bilhin ng tatay niya sa kanya

Screenshot from Miaopai
Source: Facebook

Nang makita niya ang dark blue na kotse, agad tinawagan ni Moubing ang tatay niya para ipabili ito. Subalit, sabi ng tatay ay humanap na lang siya ng kotse na mas mura sa BMW.

Hindi naging maganda ang hinantungan ng kanilang usapan at sa inis ng lalaki ay ginasgasan niya ang BMW gamit ang susi niya.

Agad tinawag ng salesman ang mga pulis upang isumbong ang lalaki, pero nakangiti pa ito nang dumating ang pulisya. Giit ng lalaki, hindi na siya kailangan kunin ng mga pulis dahil papunta na umano ang tatay niya upang bayaran ang kotse.

22 anyos na lalaki, ginasgasan ang display na BMW para bilhin ng tatay niya sa kanya

Screenshot from Miaopai
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit, hindi rin naman nakinig ang pulis sa lalaki at mukhang hindi na rin binayaran ng ama ang BMW na ginasgasan ng anak niya.

Maaaring mapabood ang video rito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We have a new episode of our Tricky Questions feature and our respondents were very eager to answer our crazy and bizarre questions! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel