St. Luke's, naglabas ng pahayag kaugnay ng doktor na sangkot sa viral road rage

St. Luke's, naglabas ng pahayag kaugnay ng doktor na sangkot sa viral road rage

-Naglabas na ng pahayag ang St. Luke's Medical Center kaugnay ng pagkakasangkot ng isang doktor sa nagviral na road rage kamakailan lang

-Isang video kasi ang kumakat sa social media kung saan makikita ang nasabing doktor na suot at uniporme ng St. Luke's

-Ngunit ayon sa statement nito, hindi konektado ang doktor sa kahit na anong ospital ng SLMC

-Wala pang inilalabas na pahayag ang doktor na kinilalang si Tomas Mendez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas ng isang statement ang St. Luke's Medical Center kaugnay ng nagviral na road rage kamakailan lang sangkot ang isang doktor, na una nang naibalita ng KAMI.

Ito ay matapos kumalat ang isang video sa social media kung saan makikita ang doktor na kinilalang si Dr. Tomas Mendez, na nakasuot ng uniporme ng St. Luke's habang kumakanta sa harap ng mga empleyado nito.

Sa statement, sinabi ng St. Luke's na hindi konektado sa kahit na anong opsital ng SLMC si Mendez.

Ganunpaman, sinabi rin ng St. Luke's na naging trainee nila si Mendez ngunit hindi bilang isang physician.

“Upon checking our records, Dr. Mendez was a former ENT resident trainee and he was never a part of St. Luke’s roster of practicing physicians,” sabi sa pahayag ng SLMC.

“Recognized as the leading and most respected healthcare institution in the Philippines, St. Lukes will never condone this type of behavior,” dagdag pa nito.

Sa isa pang ulat ng KAMI, nagbigay na rin ng opinyon ang DOTr kaugnay ng insidente at napag-alamang ipapatawag na rin si Mendez ng LTO.

Wala pang naiulat na pahayag si Mendez kaugnay nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel