10 anyos na batang ulila sa magulang, mag-isang binubuhay ang sarili
- Pinukaw ng isang 10 anyos na bata ang puso ng mga netizens dahil sa kwento ng buhay niya
- Sa murang edad, namumuhay na mag-isa ang bata at binubuhay niya ang kanyang sarili
- Nanirahan ang bata kasama ang lola niya dahil pumanaw na ang nanay nito noon
- Subalit, hindi nagtagal ay pumanaw din ang kanyang lola at tatay kaya siya na lang ang naiwan sa bahay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang 10 anyos na bata ang namumuhay mag-isa at bumubuhay sa kanyang sarili matapos pumanaw ang pamilya niya.
Nalaman ng KAMI na kahit matindi ang pinagdadaanan sa buhay ng bata, hindi ito naging hadlang upang magpatuloy siya sa buhay at mag-aral.
Ayon sa ulat ng Rachfeed, ang batang si Dang Van Khuyen mula sa Vietnam ay nakatira kasama ang kanyang lola matapos pumanaw ng kanyang nanay noong nasa murang edad pa ito. Samantala, ang tatay naman ng bata ay nakatira sa malayo upang magtrabaho.
Subalit, hindi nagtagal ay pumanaw din ang kanyang lola dahil sa tanda nito. Kaya naman, naiwan mag-isa ang bata sa kanilang bahay at kinailangan niyang alagaan ang kanilang mumunting bukid.
Samantala, noong pauwi na ang tatay ng bata ay nasangkot naman ito sa isang aksidente.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nang malaman ng teacher ni Dang ang kanyang kalagayan, agad itong nag-alok ng tulong sa bata. Nag-leave ito mula sa trabaho at gumasta ng halos $450 upang maiuwi ang labi ng tatay ng bata.
Tumulong din ang teacher na makahanap ng aampon sa bata. Pero, pilit na sinasabi ni Dang na kaya na niyang mamuhay mag-isa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
We have a new episode of our Tricky Questions feature and our respondents were very eager to answer our crazy and bizarre questions! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh