Netizens, pinuri ang mga Pinoy sa pagpapakita ng suporta sa Timor Liste sa SEA Games

Netizens, pinuri ang mga Pinoy sa pagpapakita ng suporta sa Timor Liste sa SEA Games

- Marami ang bumilib sa mga Pinoy sa pagpapakita rin nila ng suporta sa mga delegado ng Timor Liste sa SEA Games

- Matapos ang ilang araw na pagdaraos ng SEA Games sa bansa, wala pa rin ni isang medalya ang nasabing bansa

- Nais ng mga Pinoy na may maiuwi ring medalya ang Timor Liste kaya nagpakita sila ng suporta rito

- Ang ilan, iminungkahi pang dito sa Pilipinas mag-training ang nasabing bansa dahil sa mayroon daw tayong mas maayos na pasilidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang mga nakakataba ng pusong post ng mga Pinoy na nagpapahayag ng kanilang suporta sa Timor Liste.

Ayon sa ulat ni Ryan Arcadio ng Inquirer, bumuhos ang suporta ng mga Pinoy sa Timor Liste na magpasa-hanggang ngayon ay wala pang nakakamit na medalya mula sa idinaraos na Southeast Asian Games sa bansa.

Nalaman ng KAMI na isang netizen na nagngangalang Avriel Anne Pediongco ang unang nag post patungkol sa pagpapalakas ng loob ng delegado ng nasabing bansa.

Kalakip ng kanyang post ang larawan ng isang atleta mula sa Timor Liste na nakilalang si David Espirito Santo Morais kasama ang iba pa niyang kapwa manlalaro.

Tinawag pa ni Avriel na "brothers and sisters" ang mga delegado ng Timor Liste na nararapat lamang din nating suportahan sa larong pampalakasan na nagaganap sa bansa.

Bukod kay Avril, marami na ring mga kapwa nating PIlipino ang nagpapalakas sa loob ng Nsabing bansa uapng makapag-uwi sila ng medalya pawi sa kanila.

Narito ang ilan sa mga social media post na hinangaan ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Huling nagkamit ng medalya ang East Timor sa 2017. Tatlong bronze medal sa Taekwondo ang kanila noong naiuwi mula Kuala Lumpur, Malaysia.

2003 nang mapabilang ang Timor Liste sa SEA Games.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel