Ama ng biktimang isinakay daw sa 'puting van', pinabulaanan ang pahayag ng anak

Ama ng biktimang isinakay daw sa 'puting van', pinabulaanan ang pahayag ng anak

- Wala raw katotohanan ang pahayag ng bata sa viral video kung saan isa raw siyang biktima ng kidnapping na isinasakay sa puting van

- Mismong ang ama ng bata ang nagsama sa anak sa pulisya upang bigyang linaw ang pangyayari

- Inoperahan pala sa appendicitis ang bata kaya may mga tahi ang tiyan nito

- Sinabi ng bata na ginawa lamang daw ang pahayag upang maihatid siya pauwi ng kanilang bahay

- Babala ng PNP, maging mapanuri sa mga nababasa sa social media lalo na ang kidnapping na di umanoy' gumagamit ng 'puting van' dahil sa wala pa naman raw kumpirmadong kaso nito sa pulisya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinabulaanan ng ama sa viral video ang sinabi ng anak na di umano'y biktima siya ng kidnapping na gamit ang puting van.

Minsan na kasing kumalat sa social media panayam sa batang may tahi sa tiyan at sinabing dahil sa kinuhanan daw siya ng lamang loob.

Sa ulat ng ABS-CBN, inoperahan sa appendicitis ang bata kaya naman may sugat at tahi ito sa kanyang tiyan.

Nilinaw pa ng ama na madalas naglalayas ang anak at nito nga lamang Nobyembre nang muli siyang naglayas, may mabuting loob na inihatid ang bata pauwi ng Bulacan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Humingi na rin ng paumanhin ang ama dahil sa pangambang naidulot ng video ng kanyang anak.

Naglabas na rin ng pahayag ang Philippine National Police ukol sa kidnapping ng puting van na ito. Wala naman daw kumpirmadong pangyayari kaugnay sa lumalaganap na eksenang ito. Una na itong naibahagi ng KAMI.

Samantala, paalala ng PNP na maging mapanuri at huwag basta maniwala sa mga nakikita sa social media.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel