Presidente Duterte, desididong harangin ang franchise renewal ng ABS-CBN

Presidente Duterte, desididong harangin ang franchise renewal ng ABS-CBN

- Hayagang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang di niya pagpayag sa franchise renewal ng ABS-CBN

- Mae-expire na kasi ang prangkisa ng malaking television network na ito sa Marso 2020

- Makailang beses nang inulit ng Pangulo sisiguraduhin niyang hindi makakapag-renew ng prangkisa ang Kapamilya network

- Isa dahilan nito ay ang pagiging bias di umano ng network na hindi nood nagpapalabas ng election advertisements ni Duterte noong 2016

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagharang sa franhise renewal ng ABS-CBN sa susunod na taon.

Ayon sa ulat ni Darryl John Esguerra ng Inquirer.net, mae-expire ang prangkisa ng ABS-CBN sa Mrso 2020.

Makailang beses na itong nabanggit ng pangulo dahil sa umano'y pagiging bias daw ng malaking network na ito sa pagpapahayag ng balita.

“If you are expecting na ma-renew ‘yan, I am sorry. I will see to it that you are out,” pahayag ng pangulo.

Isa rin daw umano sa dahilan ni Pangulong Digong ay ang di pagpapalabas ng election advertisements niya noon pa lamang 2016.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naka-tengga pa rin sa House Committee on Legislative Franchises ang bill na makapag-eextend sa validity ng franchise ng ABS-CBN na hindi pa muling napag-uusapan sa pangunguna ni Palawan Representative Franz Alvarez.

Matatandaang Agosto ngayon taon nang sumiklab ang paulit-ulit na pahayag ng presidente ukol sa kanyang pagharang sa pag-rerenew ng ABS-CBN.

Ngunit, binigyang linaw naman ni Presidential Spokesperson Salvador S. Panelo na nasa kongreso pa rin ang magiging desisyon kung pahihintulutan pa nila ang Kapamilya network na ipagpatuloy pa ang serbisyo.

Ito kasi ay nasa ilalim ng Republic Act No. 3846 kung saan ang mga television network ay nararapat na humingi ng prangkisa sa kongreso.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel