Aktwal na pambibiktima raw ng 'puting van' sa Cavite, sapul sa video

Aktwal na pambibiktima raw ng 'puting van' sa Cavite, sapul sa video

- Isa na namang video ng pambibiktima ng puting van ang nakunan sa Cavite

- Makikita kung gaano kabilis ng pangyayari at muntk nang makuha ng isang lalaking naglalakad lamang sa gilid ng kalsada

- Mainam na lamang at nakapiglas ang lalaki at nakatakas

- Mabilis ding humarurot ang sasakyan na animo'y walang nangyari

- Totoo man o hindi ang mga kidnappings na ito, maging maingat at alerto saanman magtungo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang isang na namang video ng di umano'y pambibiktima na naman ng mga sakay ng 'puting van.'

Binahagi ni Fran Rusti ang video ng isang lalaki na kaswal na naglalakad lamang sa tabi ng kalsada.

Di nagtagal, isang puting van ang huminto ay kasunod na nito ang pamimilit sa lalaki na pumasok sa loob ng sasakyan.

Nakapiglas ang lalaki at nakapasok sa isang gusali. Makikita rin kung paano humarurot ng takbo ang van na parang walang nangyari.

Kamakailan lamang ay binahagi rin ng KAMI ang pangunguhang naganap na di nalalayo kung paano tinangkang dakpin ang lalaki na nasa gilid naman ng kalsada.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang nakaraang linggo, nabahala na ang alkalde ng Pasay City na si Mayor Emi Calixto-Rubiano sa sunod-sunod na pagkawala ng mga residente nila.

Kaya naman pinakilos na niya ang kanilang pulisya upang agaran nang mahanap ang mga nawawalang taong ito gayundin ang mga gumawa nito sa kanila.

Luma man o bago nga talaga ang video, magsilbing babala ito sa publiko dahil di lamang daw bata ang biktima ng mga isinasakay sa puting van. Maging alerto lalo na kung naglalakad sa kalsada.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel