82-anyos na lola, patuloy na nagtitinda sa kalye para sa kanyang apo

82-anyos na lola, patuloy na nagtitinda sa kalye para sa kanyang apo

- Humingi ng tulong ang isang netizen sa social media para sa isang 82-anyos na lola

- Ayon sa netizen, sa kabila ng edad nito ay araw-araw pa rin itong nagtitinda ng kung anu-ano sa kalye

- Sabi raw ni lola, kailangan nitong kumayod alang-alang sa apo nito tanging kasama nito sa buhay

- Maraming netizens ang nagpabatid ng pagnanais na tumulong sa matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng tulong ang netizen na si Kring Man sa pamamagitan ng social media para sa 82-anyos na si lola Gloria.

Sa kabila kasi ng edad nito ay araw-araw pa rin daw itong nagtitinda ng kung anu-ano sa kalye.

Sabi raw ni lola Gloria, kinakailangan niyang kumayod para masuportahan ang 8 taong gulang na apo na tanging kasama nito sa buhay.

At dahil hindi na nito kaya pang magdala ng upuan at mesa, tanging payong at panapin na lang ang pananggalang nito.

May ilan naman daw na bumibili kay lola na hindi na nagpapasukli dito, kabilang na ang uploader bilang tulong na rin sa masipag na matanda.

Nagpasalamat din ang netizen sa mga van operators na isinasabay ang matanda pauwi.

Sa ilang larawan na ibinahagi ni Kring Man, makikita ang nakangiting si lola Gloria na ayon dito ay natural na masayahin.

Hangad ni Kring Man na matulungang magkaroon ng simpleng bahay at tindahan ang matanda na hiling daw nito.

"Kahit mesa lang sana na may silong at silya e okay na para naman makapagtinda sya sa normal na oras at makauwi ng di naman late. Though nais ko sana talaga ay matupad ang wish nya na magkaroon ng munting bahay at tindahan."

Marami namang netizens ang nagpabatid ng pagnanais na matulungan ang matanda at naantig ang puso sa kasipagan nito.

"baka makita mo sya sa may work mo. Bili ka dito ha."

"dito tayo banda mglakad pg last break."

"#RaffyTulfoInAction patulong nmn po ke nanay."

"Kaya pala dko na sya nakikita sa may Wilcon akala ko kung napano na sya thank god lumipat lang pala sya dindalhan ko sya ng pagkain dati lalo na pag sweldo ko nadadaanan ko sya sa wilcon."

"hanapin ntin please."

"nakakainspire si Nanay at her age."

"I was literally crying whilst reading this. May God touches her heart and yours too!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel