Video ng doktor na nagmura at nanlait sa nakaalitan sa kalsada, isiniwalat ng isa pang biktima

Video ng doktor na nagmura at nanlait sa nakaalitan sa kalsada, isiniwalat ng isa pang biktima

- Mabilis na nag-viral ang video ng isang doktor na nagmura at nilait ang nakaalitan sa kalsada

- Galit na galit itong pinagsisigawan, pinagmumura at hinamak ang driver ng isang L300

- Di pala ito ang unang beses na ginawa ito ng doktor

- Isa pa umanong biktima ng doktor ang nagsiwalat ng video ng halos na kapareho na ginawa nito sa naunang lumabas na viral video

- Idinulog na ng mag-asawang hinamak ng doktor ang kasong ito sa programa ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang di umano'y pag-aangas ng isang doktor sa nakaalitan niya sa kalsada.

Binahagi ng mismong misis ng driver ang video kung paano sila hinamak, minura, nilait at sinigawan ng lalaking nakilalang si Tomas Joaquin Mendez na isa palang doktor.

Inakusahan ng doktor ang driver na si Santiago Paredes na di umano'y ginigitgit siya sa kalsada.

Paliwanag ng driver na ang doktor ang sumalubong sa kanya at siya ang nasa tamang lane.

Halos di na muling nakapagsalita si Paredes dahil nagsimula nang manigaw, magmura at manlait ng doktor.

Nagawa pa raw nitong batuhin ang L300 na minamaneho ni Paredes ngunit siya pa rin ang galit.

Sa naunang ulat ng KAMI, ipatatawag na raw ng LTO ang doktor na ito.

Samantala, isa na namang video ni Mendez ang isiniwalat ng nagpakilalang biktima rin niya sa pag-aangas sa kalsada.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binahagi ni Pulo Eusebio ang video na nangyari ilang buwan o halos isang taon na raw ang nakalipas.

Di nalalayo ang ginawa ng doktor sa naunang viral video sa ginawa nito kay Eusebio.

Hinamak at pinagmumura rin ito at binato rin ang kanilang sasakyan gaya ng ginawa kay Paredes.

Ang masaklap, kasama pa kasi ni Eusebio ang kanyang asawa na hawak ang isang buwang sanggol at isa pa nilang anak na di umano'y muntik pang matamaan ng baryang inihagis ng doktor.

Ayon pa kay Eusebio, masabi niyang may problema ang doktor at gaya ng nasabi ni Paredes, di raw ito nararapat sa kalsada.

Idinulog na ni Paredes ang alitang ito sa programa ni Raffy Tulfo na nangako naman ng agarang aksyon.

Narito ang isa pang video ng doktor na binahagi ni Eusebio:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel