Dating janitor na nakatapos na 'with highest honors', top 7 naman sa board exams

Dating janitor na nakatapos na 'with highest honors', top 7 naman sa board exams

- Rank 7 sa Licensure Examinations for Teachers ang dating janitor na si Abzonie Reño

- Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa pagsusumikap at pinarangalan pa siya 'with highest honor'

- Tunay na nagbubunga raw ang lahat ng kanyang sakripisyo at paghihirap sa buhay at laking pasalamat niya sa mga taong gumagabay at sumusuporta sa kanya sa pagkamit niya ng tagumpay

- Tinuturing na siyang inspirasyon ng marami dahil hindi biro ang kanyang mga pinagdaanan upang maiahon lamang ang buhay mula sa kahirapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang kwento ni Abzonie Reño kung saan matapos nitong pasukin ang iba't ibang trabaho, tinatamasa na niya ang tagumpay.

Kamakailan, isa si Abzonie sa mga hinirang na pinakabagong mga lisensyadong guro matapos nitong pumasa sa Licensure Examinations for Teachers.

Lumabas sa resulta na top 7 si Teacher Abzonie na labis niyang ikinatuwa at ipinagpasalamat.

Ayon sa kanyang viral post, tila maswerteng taon daw sa kanya ang 2019. Bukod kasi sa pagtatapos niya ng kolehiyo nito lang Mayo, siya pa ang pinakaunang hinirang na ng karangalang latin na 'with highest honors' sa Caraga State University. Una na itong naibalita ng KAMI.

Nakapasa rin siya sa Civil Service Eligibility (Professional Level) Examination at ngayon at napagtagumpayan na rin niya ang Board Licensure Examination for Professional Teachers.

Kaya naman laking pasalamat niya sa mga taong sumuporta at umagapay sa kanya sa ilang taon niyang pagsisikap sa pag-aaral.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa panayam ng The Summit Express kay Teacher Abzonie, wala raw pagsidlan ng kaligayahan nito dahil nagbubunga na talaga ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

Nabanggit niyang bukod sa pagiging janitor, minsan na rin siyang naging factory worker, tindero, guard, houseboy, baker, Jollibee crew at tutor.

Tunay na inspirasyon sa marami ang kwento ng buhay ng gurong ito at nagsisilbi rin itong patunay na anuman ang hamon sa buhay, mapagtatagumpayan ito sa paamagitan ng determinasyon, positibong pananaw, mabuting pag-uugali at pananampalataya sa Diyos.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel