LTO, ipapatawag ang doktor na sangkot sa isang viral na road rage

LTO, ipapatawag ang doktor na sangkot sa isang viral na road rage

- Ipapatawag ng LTO ang lalaking nasangkot sa isang road rage na mabilis na nagviral sa social media

- Ayon sa mga ulat na lumabas, isa umanong doktor ang nasabing lalaki

- Ang DOTr naman muling nagpaalala sa mga motorista na huwag magpadala sa init ng ulo kapag nasa kalsada

- Pinaalala rin ng ahensiya na hindi dapat umabot sa punto na manlalait, mananakit at magmumura sa kapwa motorista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipapatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang lalaking sangkot sa isang road rage na mabilis na nagviral sa social media, base sa ulat ng Wheels.PH.

Napag-alaman na isa umanong doktor ang lalaking naaktuhang nagmura at nanigaw sa isa pang motorista, na una nang naiulat ng KAMI.

Ayon mismo ito sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr). Ito ay para mahingi ang panig ng lalaki kaugnay ng nangyari sa isang gas station na nakuhanan ng video.

Matatandaang iginiit ng lalaki na ginitgit umano siya ng driver ng L300 nang subukan niyang lumipat ng linya.

Pero ayon naman sa kaalitang driver, nasa tamang linya ito at binato umano sila ng lalaki. Itinanggi rin nito ang akusasyon ng doktor.

Ganunpaman, nagpaalala muli ang DOTr na huwag pairalin ang init ng ulo kung masangkot sa isang traffic incident.

Hindi rin daw ito dapat na umabot sa panlalait, pananakit o pakikipagmurahan.

“Sa mga panahon po na tayo ay biglang ma-involve sa isang traffic incident, huwag po sanang pairalin ang init ng ulo at umabot pa sa punto na tayo ay makikipagmurahan, manlalait, o mananakit ng ating kapwa,” sabi ng DOTr.

Napag-alaman ng KAMI, na nasangkot pa ang doktor sa isang pang insidente kung saan sinabi ng uploader na si Pulo Eusebio na nilait at sinigawan din umano siya ng lalaki sa viral video.

“Sinasabihan pako na naka pickup lang ako, pulubi daw, mahirap, tiga kanto daw ako," anito.

Samantala, nanawagan din ang DOTr sa Professional Regulation Commission and the Philippine Medical Association upang maaksyunan ang insidente nang mapag-alamang doktor ang lalaking sangkot.

“Inuulit po namin ang paalala sa mga motorista na maging mahinahon at huwag daanin sa init ng ulo o sa antas ng pamumuhay kung sakaling masangkot sa isang traffic incident," sabi ng ahensiya.

“Hangad natin ay isang lipunan kung saan pantay-pantay tayong susunod sa mga alituntunin at batas trapiko, at iginagalang natin ang karapatan at dignidad ng bawat isa," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel