Dating janitor, unang nakapagbigay ng gold medal sa Pinas sa 30th SEA Games

Dating janitor, unang nakapagbigay ng gold medal sa Pinas sa 30th SEA Games

-Tila isang himala ang istorya ng pagiging SEA Games gold medalist ni John Leerams Chicano

-Si Chicano ang kauna-unahang atleta na nakapagbigay ng gold medal sa Pilipinas nang manalo ito sa men’s triathlon

-Napag-alamang bago ito napasama sa national team ay nagtrabaho muna ito bilang isang janitor

-Kasama ni Chicano ang 10 taong gulang na anak na siyang naging daan para makamit nito ang medalya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila isang himala ang istorya ng gold medalist na si John Leerams Chicano na kauna-unahang nakapagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas mula sa SEA Games 2019 sa men’s triathlon.

Pero bago nito, napag-alamang nagtrabaho muna bilang isang janitor si Chicano, ayon sa ulat ng Inquirer.

Isang promising cyclist sa junior ranks si Chicano nang bigla itong maging ama noong 2017.

Para masuportahan ang anak, pumasok ito sa isang bike shop bilang janitor at helper sa tulong ng kanyang ama.

Hindi inaasahan na ang may-ari ng shop na ito ay si Melvyn Fausto, coach ng national triathlon team.

“First we trained him as a bike mechanic,’’ ani Fausto.

Dahil isa na itong cyclist, hinasa ito bilang triathlete at tinuruang lumangoy. Pagkatapos ng tatlong buwan isa nang ganap na triathlete si Chicano.

Taong 2009, napasama na si Chicano sa national team.

Noong 2017, pumwesto siya sa ikalawa sa Filipino triathlete sa Southeast Asian Games.

Nito lamang nakaraang Linggo, nakamit ni Chicano ang inaasam na gintong medalya kasama ang 10 gulang na anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel