Robredo, naglabas ng pahayag tungkol sa SEA Games opening ceremony

Robredo, naglabas ng pahayag tungkol sa SEA Games opening ceremony

- Nagpahayag ng suporta si Vice President Leni Robredo sa opening ceremony ng SEA Games 2019

- Nagpasalamat din ito sa mga atleta, performers at sa mga taong nasa likod ng magarbong opening ng SEA Games na ginaganap sa bansa

- Ayon pa sa bise, nakaka-proud ang maging Pinoy at marami ang maipagmamalaki lalo na kung nagkakaisa

- Matatandaang sinibak ito ni Pangulong Duterte sa pagiging co-chair ng ICAD kamakailan lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakaka-proud ang maging Pilipino! Ito ang tweet ni Vice President Leni Robredo na nagpahayag ng kanyang suporta sa SEA Games 2019 na ginaganap ngayon sa bansa.

Nagpahayag din ito ng paghanga sa magarbong opening ceremony ng 30th SEA Games na ginanap sa Philippine Arena noong Sabado, November 30.

"Nakaka-proud maging Pinoy! Maraming salamat sa ating mga atleta, world champions, mga tagapagtanghal, and to everyone behind the #SEAGames2019 opening ceremony," she tweeted.

"Ang dami nating maipagmamalaki bilang isang bansa—at pinakamalakas tayo kapag ang alab ng puso ay iisa. #WeWinAsOne," ayon sa tweet ni VP Robredo.

Umani ng papuri ang pagbubukas ng SEA Games sa Pilipinas na nagpakita ng napakayamang kultura na ating bansa.

Pinangunahan nina 2020 Olympic pole-vaulter EJ Obiena at Asian Games champion Margielyn Didal ang team Philippines sa traditional parade of athletes.

Bukod sa yaman ng kultura ng Pilipinas, nakakapangilabot din nang magkakasamang dinala ng mga sports legend ng Pinas ang SEA Games Federation flag, na sila Alvin Patrimonio, Efren "Bata" Reyes, Mansueto "Onyok" Velasco, Lydia de Vega, Bong Coo, Paeng Nepomuceno, Eric Buhain at Akiko Thomson.

Pinangunahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opening ceremony kasama ang Sultan ng Brunei na si Haji Hassanal Bolkiah.

Matatandaang kamakailan lamang ay sinibak ni Pangulong Duterte si Robredo sa pagiging co-chair ng ICAD.

Naglabas naman ng pahayag ang bise kaugnay ng kanyang pagkakatanggal sa pwesto, na una nang naibalita ng KAMI.

Sabi pa ni Robredo, mag-uulat siya sa bayan sa mga susunod na araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel