Lalaking beastmode, viral matapos sigawan at murahin ang nakaalitan sa kalsada

Lalaking beastmode, viral matapos sigawan at murahin ang nakaalitan sa kalsada

- Nanigaw at minura ng isang motorista ang isa pang motorista na nakaalitan nito sa kalsada

- Ayon sa video, nag-ugat ang gulo sa pagitan ng mga ito dahil sa paglipat ng linya ng galit na lalaki

- Ngunit ayon naman sa kaalitan nito, binato sila ng lalaki

- Maraming netizens ang uminit ang ulo sa viral video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Galit na galit ang isang lalaking motorista sa isa pang motorista na nakaalitan nito sa kalsada sa isang viral video.

Sa Facebook video na ibinahagi ng netizen na si Merly C. Paredes, nakuhanan nang sigawan at murahin ng lalaki ang driver ng L300 maging ang pasahero nito na nakipagtalo rin dito.

Ayon kay Paredes, lasing ang lalaki sa video. Ilang video rin ang in-uplaod nito.

"Panoorin nio ang isang mayaman lasing na driver at kung panu murahin ang isang kawani ng gobyerno at kayo humusga kung dapat ba nasa kalye ang mga ganitong klaseng tao.. Porket mayaman ka lalaitin mo mga ordinaryong tao, May pag lalagyan ka sa ginawa mo," ayon sa caption ni Paredes.

Ayon kasi sa lalaking galit na galit, sinubukan niyang lumipat ng linya ngunit ginitgit umano siya ng L300, na labis nitong ikinagalit.

Itinanggi rin ng driver ng L300 na ginitgit niya ang sasakyan ng lalaki.

Hindi rin nito nagustuhan nang sumunod ang L300 sa lugar kung saan sila nagtalo.

Pero ayon sa mga sakay ng L300, binato sila ng lalaking galit sa video.

Maririnig din ang ilang beses nitong pagmumura sa lalaki at ang paninigaw nito sa dalawang sakay ng L300.

Tila minata pa nito ang lalaking driver ng L300 nang sabihin nitong ang dumi-dumi nito.

Pilit naman nitong itinanggi ang pangbabato at pang-aalipusta sa pamilyang sakay ng L300 at pinaalis ang mga ito.

Maraming netizens ang hindi natuwa at 'di napigilang itag ang Raffy Tulfo in Action page sa viral video na umabot na sa mahigit dalawang milyon ang views.

"Sino kaya ang bastos? Purkit ba costumer ns right lagi hehehe wlng lumabas sa bibig puro mura.napakababang tignan na tao .wlng respeto sa sarili un ginawa nya nakakahiya sana nagalit nlng ng wlng ganun kabastos ang bibig.no manner."

"Salamat di pinatulan ni mamang driver. DIYOS na ang bahala sa kanya."

"Daig pa si alyas bongo sa fpj."

"Bkit sa ibang bansa ung mga kpwa ntin pinoy takot gumawa ng labag sa batas ang babait at ang aamo nla? Bkit ndi mgawa mismo sa srili nting bansa? Wlang kinatatakutan?"

"Grabe kng magmura c kuya... very wrong!!!!"

"#raffytulfoinaction magiging tupa ka don hahahahha."

"ayan ah, tingnan mo yang tapang na yan ah, kapag humarap yan kay raffy tulfo pagkabait nyan."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel