Dimples Romana, tatanggap ng parangal sa Singapore para sa karakter ni Daniela Mondragon

Dimples Romana, tatanggap ng parangal sa Singapore para sa karakter ni Daniela Mondragon

- Tatanggap ng parangal sa Singapore ang Kapamilya actress na si Dimples Romana para sa karakter ni Daniela Mondragon

- Ayon sa kanya, nanalo siya bilang supporting actress sa Singapore for Asian Creative Academy Awards

- Malaki ang pasasalamat ni Dimples sa lahat ng tumangkilik sa Kadenang Ginto

- Pinasalamatan din niya ang Dreamscape entertainment dahil sa pag-aalagasa kaniyang career

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpasalamat ang Kapamilya Star na si Dimples Romana para patuloy na pagtangkilik ng madla sa kaniyang karakter na si Daniela Mondragon sa hit Kapamilya series na "Kadenang Ginto".

Sa panayam sa Kapamilya star, isa sa kaniyang pinasalamatan ang Dreamscape entertainment dahil sa pag-aalagasa kaniyang career.

"Dreamscape had been very very good to me," tugon ni Dimples sa panayam ng press. "I’m just very glad na next week, maibabalik ko sa kanila 'yung tiwala na binigay nila sa akin."

Ipinagmalaki ni Dimples ang pagkilala na kaniyang tatanggapin sa Singapore para sa karakter ni Daniela Mondragon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Next week ang lipad ko sa Singapore for Asian Creative Academy Awards, so nanalo po ako ng regional for supporting actress for 'Kadenang Ginto'".

Ayon pa sa Kapamilya star, ito na marahil ang kaniyang magiging sukli para sa tiwalang ipinagkaloob sa kaniya ng Dreamscape.

"It feels great of course because it is an international award, and ang maganda doon, per region may winners na sila--meaning for Philippines, ikaw na agad ang panalo dito, ganun sila," ayon sa aktres.

"Doon man lang maibalik ko ang tiwala na ibinigay nila (Dreamscape) sa akin."

Bukod sa “Kadenang Ginto”, bahagi rin si Dimples ng pelikulang “The Mall, The Merrier” na lalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa naunang ulat, inihayag ni Dimples ang kanyang kagustuhang matapos ang kanyang pag-aaral.

Si Dimples Romana ay isang Pinay na aktres at isang commercial model. Nagsimula ang kanyang showbiz career nang mapabilang siya sa comedy sitcom na Ang TV. Nakilala siya sa mahusay na pagganap niya sa ilang teleserye kagaya ng Bagani at Kadenang Ginto.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Get the latest news on celebrity news, and updates! Check out our features on the country's hottest stars! Check out: celebrities who have Showbiz Love: Matteo Guidicelli + Sarah Geronimo And Joyce Pring + Juancho Trivino on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel