Dimples Romana, gustong tapusin ang pag-aaral matapos matulungan ang mga kapatid

Dimples Romana, gustong tapusin ang pag-aaral matapos matulungan ang mga kapatid

- Ibinahagi ni Dimples Romana ang kanyang kagustuhang tapusin ang pag-aaral niya

- Maraming beses niya na diumanong sinubukang bumalik sa pag-aaral ngunit palagi siyang nagkakaroon ng bagong TV projects

- Pinauna niya rin muna ang mga kapatid niya at tumulong din siya sa pag-aaral ng mga ito

- Nais diumano ng aktres na pumasok kagaya ng isang regular na estudayante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng aktres na si Dimples Romana na kahit successful na sa kanyang showbiz career at pagiging businesswoman, nais pa rin niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Dati na siyang nag-aral sa University of Sto. Tomas (UST) at kumuha ng kursong Tourism. Gayunpaman, tatlong taon lang siya at hindi niya iyon natapos. Nakapag-aral din siya ng Culinary sa Enderun.

Ayon pa sa kanya, mas pinili niyang huwag na muna mag-aral para matulungan niya ang mga kapatid sa kanilang pag-aaral.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi nawawala sa plano ko ang mag-aral. Ano lang, parang siguro gusto ko lang munang i-secure yung mga kapatid ko. Iisa na lang naman ang nag-aaral sa amin,” aniya sa isang panayam ng PUSH.

Kuwento pa ng aktres, mas gusto niyang pumasok sa school kagaya ng isang regular na estudyante.

Samantala, sa naunang ulat, naging usap-usapan ang production number nina Dimples Romana at kanyang Kadenang Ginto co-star na si Beauty Gonzales kamakailan.

Si Dimples Romana ay isang aktres, product endorser at commercial at print-ad model. Sumikat siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleseryeng Bagani at Kadenang Ginto.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Get the latest scoop on celebrity news and updates! Check out our features on the country's hottest stars! Check out: Showbiz Love: Matteo Guidicelli + Sarah Geronimo And Joyce Pring + Juancho Trivino on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel