Sen. Kiko Pangilinan, pinalalayas na diumano ng asawa ayon kay PRRD

Sen. Kiko Pangilinan, pinalalayas na diumano ng asawa ayon kay PRRD

- Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na aalis ito sa pwesto sakaling hindi totoo ang kanyang sinabi tungkol kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan

- Ayon sa pangulo, pinalalayas na ni Sharon Cuneta ang asawa sa kanilang bahay

- Matatandaang taong 2017 nang unang mag-hint si Sharon ng problema nilang mag-asawa sa Facebook

- Gayunpaman, nilinaw niyang nagkaaayos din silang mag-asawa kinalaunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabigat na mga salita ang binitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan. Pagbabanta ni PRRD, aalis ito sa pwesto sakaling hindi totoo ang kanyang pahayag na pinalalayas na ni Sharon Cuneta ang asawang si Senator Pangilinan sa kanilang bahay.

Sinabi ito ng Pangulo habang binabatikos si Pangilinan pati na rin ang isinulong nitong batas na nagtaas sa minimum age of criminal liability sa 15 anyos.

Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo,” hayag ni Duterte sa kanyang Bonifacio Day speech sa Caloocan kahapon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign. Ang sinasabi ko totoo ‘yan,” dagdag niya.

Taong 2017 nang unang mag-hint si Sharon ng problemang mag-asawa sa Facebook. Kinlaro naman niya pagkatapos na “ayos” na sila ni Kiko.

Miyembro man si Kiko ng Liberal Party, nanatiling close ang Megastar kay Davao Mayor Sara Duterte na anak ng Pangulo.

Sa naunang ulat, binati ni Sharon ang nakatampuhang kaibigang si Robin Padilla sa kaarawan nito.

Si Sharon Cuneta ay isinilang noong January 6, 1966 sa Manila, Philippines. Siya ay isang aktres na nakilala sa mga pelikulang Dapat ka bang mahalin? (1984), Babangon ako't dudurugin kita (1989) at Pasan ko ang daigdig (1987). Ikinasal siya sa kanyang asawang si Sen. Francis Pangilinan noong 1998.

POPULAR: Read more about Sharon Cuneta here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Get the latest scoop on celebrity news and updates! Check out our features on the country's hottest stars! Check out: Showbiz Love: Matteo Guidicelli + Sarah Geronimo And Joyce Pring + Juancho Trivino on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel