Judy Ann Santos, nagbigay ng speech sa pagkapanalo bilang Best Actress sa Cairo International Film Festival

Judy Ann Santos, nagbigay ng speech sa pagkapanalo bilang Best Actress sa Cairo International Film Festival

- Matapos manalo bilang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival, nagbigay ng mensahe si Judy Ann Santos

- Ibinahagi ng kanyang proud na mister na si Ryan Agoncillo ang video ng kanyang speech

- Ito ay kanyang ginawa habang nagpupunas at naglilinis ng mesa sa kanilang restaurant

- Nakamit ng aktres ang award para sa mahusay na pagganap sa pelikulang Mindanao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Ryan Agoncillo ang isang video ng speech ng kanyang asawang si Judy Ann Santos na nanalo bilang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival.

Marami ang naaliw sa speech ni Juday habang tuloy-tuloy lang ito sa pagpupunas at paglilinis ng mesa sa kanilang restaurant na Angrydobo.

Pinasalamatan ng aktres ang mga taga Cairo International Film Festival. Inialay niya din ang kanyang natanggap na parangal sa mga kababayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakamit ng aktres ang award para sa mahusay na pagganap sa pelikulang Mindanao sa ilalim ng direksiyon ni Brillante Mendoza. Bukod dito, ginawaran din ng parangal na best artistic contribution ang pelikula.

Sa naunang ulat, inihayag ni Judy Ann ang kanyang opinyon hinggil sa pag-arte ni Heaven Peralejo sa teleseryeng Starla.

Si Judy Ann Santos is ikinasal kay Ryan Agoncillo. Nagkakilala sila sa shooting ng TV series na Krystala noong 2004. Naging magkarelasyon sila nang sumunod na taon at na-engaged noong 2008.

Ikinasal sila sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas noong April 28, 2009.

POPULAR: Read more about Judy Ann Santos here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Get the latest scoop on celebrity news and updates! Check out our features on the country's hottest stars! Check out: Showbiz Love: Matteo Guidicelli + Sarah Geronimo And Joyce Pring + Juancho Trivino on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel