Video ng lalaking walang paningin ngunit mahusay mag-skateboard, halos 3 million views na

Video ng lalaking walang paningin ngunit mahusay mag-skateboard, halos 3 million views na

- Napanganga raw ang mga netizens na nakapanood ng video ng lalaking ito na kahit bulag ay napakahusay mag-skateboard

- Gamit ang kanyang tungkod, nagagawa niyang mag-exhibition sa mga rampa na parang ito'y kanyang nakikita

- Bagaman at may 5% pa raw itong naaaninag, mahirap pa rin ito sa kanyang kalagayan dahil di biro ang pag-skateboard

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ng 9GAG kung saan binahagi nila ang video ng isang lalaking bagaman at halos wala nang makita ay mahusay pa ring mag-skateboard.

Nalaman ng KAMI na mayroon pa namang 5% na naaaninag ang lalaki ngunit sadyang mahirap pa rin ang kanyang ginagawa para sa kanya.

Gamit ang isang tungkod o baston, naaalalayan ng lalaki ang sarili sa mga rampa.

Nakamamanghang di ito nahuhulog at nababalanse pa rin niya ang sarili kahit pa halos wala na itong makita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May caption ang post na "skateboarding with 5% eyesight, He can't see but he can skate," na pinatotohanan naman ng lalaki.

Matapos ang kanyang exhibiton, kinamayan siya ng kanyang mga kasama na nagpakita ng pagkamangha sa kanyang ginawa.

Ayon pa sa ibang netizens, isa raw inspirasyon ang lalaki lalo pa at hindi nito ininda ang pagkukulang bagkus pinayabong pa niya ang kung anuman ang kaya pa niyang gawin.

Umabot na sa halos 3 million ang views ng video at umani ito ng nasa 154,000 na positibong mga komento.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel