Dating panadero, isa nang lisensyadong guro na may mataas na board rating

Dating panadero, isa nang lisensyadong guro na may mataas na board rating

- Marami ang bumilib sa pagsusumikap ng guro na si Ruben Ibarra na dating panadero

- Nangarap lamang noon si Sir Ruben kaya naman tinatamasa na niya ngayon ang tagumpay

- Bukod sa nakatapos na siya ng kolehiyo, pasado na rin siya sa board exams at mataas pa ang nakuha niyang marka

- Tiyak na magugulat daw ang kanyang mga kabarangay dahil sa dati lamang siyang panadero at ngayon at guro na siya ng Mathematics

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaka-inspire ang kwento ng tagumpay ng gurong si Ruben Ibarra.

Di niya ikinahiyang isa siyang panadero noon na nangarap lamang na makatapos ng kolehiyo.

Binahagi ng Carl E. Balita page ang nakakamanghang kwento ng guro.

Aminado si Sir Ruben na di naging madali ang kanyang pinagdaanan upang makamit ang tagumpay.

Habang siya ay nasa kolehiyo, nagtatrabaho pa rin siya upang may pambili ng mga gamit sa eskwela at mga projects na kailangan niyang ipasa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit dahil sa kagustuhan niyang makapagtapos ng kolehiyo, tiniis niya ang lahat ng hirap.

Hindi raw niya talaga sinukuan ang kanyang mga pangarap at patuloy siyang lumaban.

Nagbunga naman ang kanyang pagsusumikap dahil di lamang siya nakatapos ng pag-aaral. Pasado na rin siya sa Licensure examinations for teachers at tumataginting na 90.20% ang nakuha niyang rating.

Ngayon, isa nang guro si Sir Ruben at nagtuturo siya ng Mathematics sa High School at lecturer na rin siya ng isang sikat na review center sa bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel