Kapatid ni Ivana Alawi na si Mona Louise, napaiyak sa prank ng kanyang ate

Kapatid ni Ivana Alawi na si Mona Louise, napaiyak sa prank ng kanyang ate

- Napaiyak ang nakababatang kapatid ni Ivana Alawi na si Mona Louise Rey

- Ito ay matapos siyang mabiktima ng prank ng kanyang ate Ivana

- Matatandaang na-prank din ni Mona ang ate niya kaya gumanti diumano ang aktres

- Isang kamag-anak na hindi pa nila nakikilala ang kinausap ni Ivana na magpakilala bilang "tunay na ama" ni Mona

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napaiyak ang nakababatang kapatid ni Ivana Alawi na si Mona Louise Rey matapos mabiktima ng prank ng kanyang ate.

Bilang ganti sa naunang prank na ginawa sa kanya ni Mona, kinausap ni Ivana ang kanilang ina para paniwalain ang kapatid na ampon lamang ito.

Isang kamag-anak na hindi pa nila nakikilala ang kinausap ng aktres upang magpakilalang tunay na ama ni Mona.

Matapos magpakilala ng kanilang Uncle Bob, naging emosyonal si Mona at tila ayaw pang maniwala. Gayunpaman, dahil sa kapani-paniwalang acting ng kanyang ate, napatakbo sa loob ng kwarto si Mona.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panuorin ang buong video dito at kung paano sinabi ni Ivana sa kapatid na prank lamang ang lahat.

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa StarStruck noong 2015 bilang si Mariam Al-Alawi. Lumipat siya sa Kapamilya Network at napabilang sa mga teleseryeng FPJ's Ang Probinsiyano, Mea Culpa, at Sino ang may Sala?

Ang kanyang nakababatang kapatid ay kilala sa kanyang screen name na Mona Louise Rey isang dating child star sa GMA-7. Siya ang gumanap na Jennifer Montereal sa teleseryeng Munting Heredera.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Get the latest scoop on celebrity news and updates! Check out our features on the country's hottest stars! Check out: Showbiz Love: Matteo Guidicelli + Sarah Geronimo And Joyce Pring + Juancho Trivino on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel