Pokwang, nanggalaiti sa mga taong gumamit sa pangalan niya sa illegal na gawain

Pokwang, nanggalaiti sa mga taong gumamit sa pangalan niya sa illegal na gawain

- Hindi napigilang umalma ni Pokwang sa mga taong gumamit sa pangalan niya para lang makapanglamang sa kapwa

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Pokwang na nakatanggap siya kopya ng isang video kung saan ginamit diumano ang pangalan niya

- Gayunpaman, tinakpan niya ang mukha ng taong nasa video upang bigyan sila ng babala na tigilan nila ang kanilang ginagawa

- Pinapalabas diumano ng mga illegal recruiters na kasama sa entourage ni Pokwang ang taong kanilang ipapasok papuntang Canada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Pokwang ang kanyang natuklasan tungkol sa mga illegal recruiters na gumagamit diumano ng pangalan niya. Ayon sa komedyante, pinapalabas ng mga recruiters na kasama sa entourage ni Pokwang ang mga taong kanilang ipinasok sa Toronto Canada.

Dagdag pa ni Pokwang, may kopya siya ng video kung saan binanggit ang kanyang pangalan at ilalabas niya din umano ang video ng mga taong sangkot sa panlolokong ito.

Ayon pa sa komedyante, muntik nang mabiktima ang isang kaibigan niya.

Narito ang kanyang buong pahayag:

WARNING!!! Wag nyo gamitin ang pangalan ko at palalabasin nyo na kasama sa entourage ko ang mga taong ipapasok nyo sa Toronto Canada sa darating na April!!! malinaw na illegal recruitment yan!! meron akong video ng taong ito at napaka linaw sa video na binanggit nya ang name ko na kunwari palalabasin nyo na kasama sa entourage ko ang na recruit nyo na kawawa naman magbabayad sa inyo??? malapit kana sumikat wait lang ha!! baka may mga kamag anak kayo na nag a apply ng student vissa sa canada wag kayong maniwala soon ilalabas ko video ng mga taong ito!! wag nyong gamitin name ko utang na loob! malinis akong naghahanap buhay para sa pamilya ko wag nyo akong idamay!!! Mga P%#tang ina nyo!!! tigilan nyo yan meron akong video nyo na isang kaibigan ang nag forward sakin at concern!! at muntik nyo na sya mabiktima na hayop ka ang tanda mona manggagancho ka na hayop ka!!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inudyukan naman si Pokwang ng mga netizens na ilabas ang mukha ng mga taong sangkot para mabigyan sila ng leksiyon.

Samantala, sa naunang ulat, naglabas ng kanyang saloobin si Pokwang tungkol sa pakikipagsabayan niya kina Vice Ganda at Coco Martin sa MMFF 2019.

Si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang ay isang komedyante, TV host, singer at product endorser. Kadalasang tungkol sa sarili niya ang kanyang mga biro kapag siya ay nagpapatawa. Ibinahagi ng komedyante ang kanyang pakikipagrelasyon sa aktor na Amerikanong si Lee O'Brian. noong buwan ng Enero noong 2015. Nabuntis siya ngunit sa kasamaang palad ay nakunan noong Agosto ng parehong taon. Muli siyang nagbuntis at ibinahagi niya ito sa kanyang Twitter account noong June 16, 2017. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Briani sa Antipolo City noong January 18, 2018.

POPULAR: Read more about Pokwang here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Get the latest scoop on celebrity news and updates! Check out our features on the country's hottest stars! Check out: Showbiz Love: Matteo Guidicelli + Sarah Geronimo And Joyce Pring + Juancho Trivino on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel