Dalawang SEA Games buses na may sakay na mga atleta, naaksidente

Dalawang SEA Games buses na may sakay na mga atleta, naaksidente

- Naaksidente ang dalawang bus patungo sa opening ng SEA Games ngayong gabi

- Huminto ang nauunang bus kaya susmalpok ang kasunod nito

- Laman daw nito ang mga delgado ng Laos at Vietnam

- Bagaman at mayroong bahagyang nasaktan, minabuti pa rin daw nitong tumuloy na sa Philippine Arena kung saan idaraos ang opening ng SEA Games

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang aksidente ang naganap sa NLEX ilang oras bago ang opening ng 30th Southeast Asian Games na kasalukuyang ginaganap sa bansa.

Ayon sa ulat ni Raffy Santos ng ABS-CBN news, dalawang bus ang nagsalpukan matapos na biglang huminto ang nasa unahan nito.

Lulan nito ang mga delegado mula sa bansangLaos At Vietnam na patungo sa venue ng pagbubukas ng palaro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Basag ang salamin ng likod at harap ng mga bus ngunit wala namang tinamaan ito.

Isa ang naiulat na nasaktan at natamaan ang ngipin ngunit di na ito nagpadala pa sa ospital. Minabuti na nitong dumiretso sa Philippine Arena kung saan idaraos ang inaasahang magarbong opening ng 30th SEA Games.

Ito ang pang-apat na beses na idaraos ang SEA Games sa bansa.

Inaasahang pang Olympics ang opening nito dahil world class performances na pangunguhan nina Jed Madela, Lanie Misalucha, KZ Tandingan at ang Pinoy na Miyembro ng grupong Black Eyed Peas na si Apl d'Ap.

54,000 n mga manonood ang inaasahang pupuno sa Philippine Arena.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel