Mag-ingat at maging alerto: "Tisoy", nasa bansa na

Mag-ingat at maging alerto: "Tisoy", nasa bansa na

- Nasa bansa na ang kinatatakutang maging "super typhoon" na may international name na Kammuri

- Bandang 4:00 ng hapon ng Sabado, Nobyembre 30 nang kinumpirma ito ng PAGASA

- Taliwas sa naunang mga naibalitang magiging malakas na bagyo ito, hindi raw isang super typhoon si "Tisoy" ngunit mainam pa rin ang maging handa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinangalanan nang "Tisoy" ang bagyong may international name na Kammuri na pumasok na sa bansa ngayong alas-kwatro ng hapon, Nobyembre 30.

Ayon sa CNN, ito na ang ika-20 tropical cyclone sa bansa ngayong taon at pang-apat naman ngayong Nobyembre.

Ilan araw na itong namamataang papalapit ang direksyon sa bansa at sinabing maari itong maging isang super typhoon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit nilinaw ng PAGASA na wala na itong katotohanan ngunit mainam pa rin na maging handa.

Inaasahang maapektuhan ang mga bahagi ng bansa sa Central Luzon, Southern Luzon at Metro Manila kung saan pa naman idaraos ang SEA Games.

Samantala, sa linggo, Disyembre 1 pa raw ito magla-landfall sa Camarines Sur.

Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN, bagaman at may kalakasan nga si Tisoy, ay bumagal naman ang pagkilos nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel