Video ng inang PWD, viral dahil sa nakaaantig pusong eksena

Video ng inang PWD, viral dahil sa nakaaantig pusong eksena

- Viral ang video ni Aling Vicvic dahil sa pagpapakita nito ng pagmamalasakit sa kanyang anak

- Makikitang buhat ng anak na lalaki ang upuan na siya pa lang uupuan ng ina sa pagbabantay sa kanya

- Nasa likod ng bata ang inang di makalakad ng maayos dahil sa maliliit na mga binti

- Humanga ang mga netizens sa katatagan ng ina na sa kabila ng kanyang kalagayan ay di nito pinababayaan lamang ang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napukaw ang puso ng mga netizens nang makita ang video ng isang inang PWD na matiyagang inihahatid ang kanyang anak papasok sa paaralan.

Binahagi ng Kapuso mo Jessica Soho ang video ng inang nakilalang si Vic-vic na walang mga binti.

Bagaman at hirap itong makalakad gamit lamang ang mga kamay, sinisikap nitong maalagaan ng maayos ang kanyang anak na lalaki.

Nalaman ng KAMI na ito ang ginagawa ni Nanay Vic-vic araw-araw sa pagpasok ng anak sa eskwela.

Makikita sa video na bitbit ng anak ang upuan habang nakasunod naman ang ina bago sila sumakay sa multicab patungong paaralan.

Mapapansin din na maayos ang pangangatawan ng bata. Nangangahulugan lamang na di ito napapabayaan ng ina sa kabila ng kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maayos ang uniporme at maging ang gamit sa eskwela ng bata ay kumpleto rin patunay lamang na iniintindi talaga ng ina ang kanyang anak.

Bakas din sa mukha ng bata ang maayos na pag-uugali na tiyak na busog din ito sa pangaral ng ina na kanyang baon saanman siya pumunta.

May caption ang video na "Mother's love in 37 seconds" at sadyang nakaka-touch daw ito at nagpapakita ng tunay na pagmamahal ng isang ina.

Dahil dito, naging emosyonal daw ang mga netizens. Bukod sa naalala nila ang kanilang mga nanay, humanga rin sila sa katatagang pinakita ni Vic-vic na nagpapakita na walang anumang kapansanan ang makakahadlang sa kanya sa pagpapapaka-ina niya sa kanyang mahal na anak.

Narito ang komento ng ilang netizens:

"Sa mga kabataan pasaway higit na ma swerte prin kyo.kaya pag sikapan ang kinabukasan at wag sayangin sa wlang kabuluhang bagay ang inyong oras at gawain....more blessings sa iyo at lagi mag iingat"
"Kahit ano hirap tiisin mo maiparamdam lang Kong gaano siya ka halaga at ka mahal sapagkat yon ang ang puso ng isang ina na hangga't kayo mo hindi ka susuko ganon ako sa special child Kong anak dahil sobra ko siyang mahal na mahal na hindi kaya ibigay ng iba at ako lang ang unauunawa at tanggap siya ng buo.
"Kahit Hirap si mader ginagampanan pa rin nya ang tungkulin nya bilang isang ina..Saludo po aq sa inyo..God Bless po.."
"Iba tlga ang pagmamahal ng isang ina"
"Hindi man po aq makatulong sa inyo financially pero isasama q po kayo sa aking dasal.. sana po may mabuting kalooban na bigyan ka po ng wheel chair."

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel