Video ng babaeng todo effort sa kanyang "nililigawang" lalaki, usapan sa socmed

Video ng babaeng todo effort sa kanyang "nililigawang" lalaki, usapan sa socmed

- Umani ng iba't-ibang reaksyon ang video kung saan todo effort ang isang babae sa lalaking kanyang nililigawan

- Humingi pa umano ito ng tulong sa kanyang mga kaibigan sa pag-video at pagpapakita ng banner

- Mayroon pa itong inihandang regalo sa lalaki

- Wala pang isang minuto, tumalikod na ang lalaki at umalis

- Mapapansing naiyak na lamang ang babae na na-basted sa kabila ng kanyang mga pinaghandaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ng isang babaeng lakas loob na nagpahayag ng kanyang nararamdaman sa isang lalaki.

Binahagi ng Facebook page na Proud to be Pinoy ang video na kuha raw sa Pasig Palengke.

Nalaman ng KAMI na humingi pa ng tulong ang babae sa kanyang mga kaibigan na mai-video ang pangyayari habang ang iba naman ay may hawak na banner kung saan nakasulat ang "Will you be my boyfriend?"

Ngunit sa kasamaang palad, tila na-basted ang babae sa kabila ng todo effort niyang proposal.

Makikitang ayaw ding tanggapin ng lalaki ang mga regalo ng babae at di nagtagal ay tinalikuran niya ito at umalis.

Mapapansin din napaiyak na lamang ang babae na agad namang dinamayan ng kanyang mga kaibigan.

Umani ng samu't-saring reaksyon ang video lalo pa at kakaiba ang proposal dahil sa babae ang nagpahayag ng kanyang nararamdaman sa napupusuang lalaki.

Kahit daw kasi makabago na talaga ang panahon ngayon at may mga ilang nakagawian na nababago na talaga, may mga bagay tulad ng panliligaw na mas mainam pa rin gawin sa makalumang paraan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Kawawa magulang, yung magulang nagpapakakuba pra may maipabaon pra makapasok sa skwelahan, pra makapag aral."
"Pag gusto ka ng lalaki kusang lalapit sayo. Di mo na kailangan gawin yan. Mapapagalitan ka pa nyan ng magulang mo pag nalaman yan e"
"Tama ang ginawa ni boy kahit 2019 masarap pa din ang lalaki ang mag Sabi.... Bata pa kau dapat iprority nio muna ang into pag aaral."
" Darating din kau dun sa Tama panahon wag kau masyado mag madali.... Mag aral muna Kayo at mag tapos Ng pag aaral at makatulong sa into mga magulang wag yn ang inaatupag mo girl."
"Magaral muna kayo ng mabuti mga maam sir."
"Hi. Ate Girl, may good guy na naka laan para sa iyo. Hindi pa siguro ito yung time."

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel