Dalawang pulis na pinakain ang batang palaboy, hinangaan ng maraming netizens

Dalawang pulis na pinakain ang batang palaboy, hinangaan ng maraming netizens

- Umani ng papuri ang dalawang pulis mula sa Caloocan na nagpakita ng pagmamalasakit sa batnag palaboy

- Isang netizen ang nakasaksi ng kabutihang ginawa ng mga pulis ay siyang namangha sa ginawa ng mga ito

- Imbis na bigyan lamang ng tirang pagkain, pinapili nila ang bata ng nais nitong kainin at nilibre ito ng dalawang pulis

- Sinabihan pa nila na kung nagugutom ang bata ay pumunta lamang daw sa kanilang presinto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang larawan ng dalawang pulis na nagmalasakit na pakainin ng maayos ang isang batang palaboy.

Binahagi ng netizen na si Joice Hernandez Uy ang kanyang nasaksihang kabutihan sa isang tapsilugan sa Caloocan.

Nalaman ng KAMI na naghihingi lamang ng tirang pagkain ang batang palaboy sa dalawang pulis.

Imbis na bigyan, tinanong ng mga pulis kung ano ang nais kainin ng bata.

Ibinili nila ito ng bagong pagkain upang maayos itong makakain.

Mas lalong bumilib ang netizen nang sabihin pa umano ng mga pulis na kung nagugutom ang bata, pumunta lamang ito sa presinto.

Umaapaw na papuri ang tinamo ng mga tumulong sa bata.

Kadalasan daw kasi ay pinagtatabuyan ang mga palaboy mapa-bata man o matanda.

Ngunit iba ang pulis ito dahil sa kinakitaan sila ng pagmamalasakit sa bata.

Ayon pa sa mga netizens, sana raw ay mabigyan ng parangal ang mga pulis dahil sa kabutihang ginawa sa kapwa.

Narito ang ilang komento ng netizens:

“Sana All” May mabubuti pang mga pulis"
"Ganyan ang mga pulis caloocan ngayon... mabuhay po kayo mga sir"
"Dapat lang silang i-recognize. Magandang motivation din sa mga pareho nila ng uniporme"
"Sana napangalanan sila para mabigyang pagkilala kahit sa lugar lang nila"
"Babalik din sa inyo ang kabutihan niya sir..."

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel