Teacher na, Hairstylist pa! Nakatutuwang ginagawa ng guro sa Iloilo sa kanyang estudyante, viral
- Viral ang larawan ng isang substitute teacher sa Iloilo dahil sa pag-aayos nito ng buhok ng kanyang estudyante
- Naniniwala raw kasi siyang pangalawang magulang ang mga guro kaya naman ginagawa niya ito bilang pagmamalasakit sa kanyang mga mag-aaral
- Nais niya kasing maramdaman ng kanyang mga estudyante na para lamang itong nasa bahay na walang pangambang dapat ipag-alala
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena sa social media ang nakatutuwang larawan na kuha sa Camambugan Elementary School sa Santa Barbara, Iloilo ung saan nakuhang ayusan ng buhok ang isang batang babae ng kanyang guro.
Binahagi ang larawan ng Panay News na may caption na "Teacher na, Hairstylist pa!"
Orihinal itong kuha ng isang co-teacher ng guro.
Nalaman ng KAMI na isang substitute teacher pala ang nasa larawan at nakilala itong si Thom Christian Tamaño.
Ayon kay Teacher Thom, naniniwala siyang pangalawang magulang ang mga guro kaya naman nagawa niya ito sa kanyang estudyante.
Gusto raw niyang iparamdam sa mga ito na para lamang silang nasa bahay at walang pangambang dapat ipag-alala sa paaralan.
"For me, teaching is not a profession, it's a lifetime commitment to learning and to your students," pahayag ni Teacher Thom.
Sa kabila ng isyung kinakaharap ng mga guro ngayon, mayroon pa rin naman talagang mga taong nagmamahal sa propesyong ito.
Katunayan, marami ang humanga kay Teacher Thom sa pinakitang pagmamalasakit sa kanyang mga estudyanteng tinuturing niyang mga anak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang ilan sa mga pahayag ng netizens:
"Heart touching... bihira na ang mga gurong ganito"
"Napakaswete ng paaralan niya sir, nakakataba po ng pusong tingnan"
"Good job sir! likas namang mabubuti ang mga guro"
"Hindi lng nila alam kung anung talent meron kaming mga teachers ...so proud of this!"
"Congrats sir, sa pag-aalaga mo pa lang sa mga students mo panalo ka na"
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh