Kakaibang collab! Misis at kabit, nagsanib pwersa laban sa babaerong mister

Kakaibang collab! Misis at kabit, nagsanib pwersa laban sa babaerong mister

- Sanib pwersa ang isang misis at ang kabit ng kanyang mister laban dito

- Inireklamo ng dalawa ang sinasabing babaerong lalaki dahil daw sa pambababae nito

- Napag-alaman kasi ng mga ito na mayroon pang dalawang babaeng karelasyon ang mister

- Ngunit naging magkasalungat ang dalawa noong una sa gusto sana nilang mangyari sa lalaking pareho nilang minahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi inasahan ng sikat na broadcast journalist na si Raffy Tulfo ang kakaibang collaboration ng isang ginang at kabit laban sa mister na babaero na inireklamo sa kanyang programang Aksyon.

Sanib pwersa ang legit na asawa na si Lilibeth Alarba at ng number two ni mister na si Geraldine Aligonero.

Inireklamo ng dalawa ang panloloko at ang pagkalimot umano ni Andrecito Alarba, na napag-alamang isang OFW, sa kanyang responsibilidad.

Mismong si legit pa ang nagsabi kay number two na ireklamo kay idol Raffy ang salawahan na lalaki.

Ayon kay legit, wala naman daw "napapala" ang kanilang mga anak sa sahod ni mister. Si Aligonero pa nga raw ang tumutulong sa mga bata.

Samantalang si Aligonero, inireklamo ang panloloko sa kanya ni mister na napag-alaman niyang mayroon pang number three at number four na kabit!

Dahil dito, posible raw makasuhan ang lalaki dahil sa mga reklamo ni misis.

Ngunit noong una'y magkasalungat ang dalawang babae sa kung ano ang gusto nilang mangyari.

Nais kasi ni misis na ipakulong si mister, pero para naman kay number two, tama lamang na i-ban na lang ito na makapag-trabaho sa ibang bansa.

Sa huli ay sumang-ayon na lang si misis kay kabit lalo pa at kailangan nito ng sustento mula sa lalaki.

Matapos naman ang pag-ere ng reklamo ay nakatanggap ng mensahe si Aligonero mula sa lalaki na ilang beses pang tumawag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel