Matandang lalaki na suspek sa pagsabog ng granada sa 1 paaralan, nakilala na

Matandang lalaki na suspek sa pagsabog ng granada sa 1 paaralan, nakilala na

- Nakilala na ang matandang lalaking suspek sa pagsabog ng isang granada sa isang paaralan sa Misamis Oriental

- Ayon sa ulat, nagkaroon ito ng argumento sa mga empleyado ng DENR bago ang insidente

- Isang video pa ang nakuha ng ilang netizen kung saan makikita ang pagsabog

- Ngunit may ilang netizens ang may ibang pananaw sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala na ang matandang lalaki na suspek sa pagsabog ng isang granada sa Initao College sa Misamis Oriental noong Huwebes ng umaga.

Kinilala itong si Ebrahim Ampaso Basher, 65-anyos at residente ng Madamba, Lanao del Sur, ayon sa report ng Police Regional Office 10.

Base sa isang ulat ng CDN (Author, Consuelo Marquez), mayroong transaksyon si Basher sa opisina ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at nagkaroon umano ng argumento sa mga empleyado roon, ayon sa mga pulis.

Doon na umano ito naglabas ng isang granada at nang makita ito ng mga empleyado ng DENR ay agad na nagsipagtakbuhan sa covered court ng Initao College, na may layong 800 metro mula roon.

Dito na rumesponde ang nasawing pulis na si Police Major Seargent Jason Magno, na iniharang ang sarili para protektahan ang marami, na una nang naiulat ng KAMI.

Napatay din si Basher ng ka-partner ni Magno na si Police Major Sargeant Alice Balido, na sugatan din sa pangyayari.

Ngunit may ilang netizens na iba ang pananaw sa insidente.

Sa isang viral post sa Facebook, sinabi ng ilang netizens na hindi intensyon ng suspek ang ihagis ang granada.

Marami rin ang nais malaman kung bakit nagawa ito ng isang matanda.

Isang pulis ang nasawi at 11 naman ang sugatan kabilang ang pulis na si Balido na agad din isinugod sa ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel