Mga estudyante, nag-ambagan para sa gurong 2 buwan nang walang sahod

Mga estudyante, nag-ambagan para sa gurong 2 buwan nang walang sahod

- Viral ang video kung saan sinurpresa ng mga estudyante ang kanilang guro na di pa sumasahod sa loob ng dalawang buwan

- Nag-ambagan umano ang mga estudyante para sa gurong kinakitaan nila ng kasipagan at dedikasyon sa trabaho

- Di man umiinda ngunit alam ng mga estudyante na kailangan na ito ng kanilang guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naluha ang gurong si Bruno Paiva sa surpresang inihanda sa kanya ng kanyang mga estudyante.

Ayon sa Inspired, substitute teacher lamang si Bruno sa isang paaralan sa Brazil. Nanganak daw kasi ang adviser ng klase kaya naman siya muna ang pumalit.

Sa maiksing sandali nina Bruno at kanyang mga estudyante, di lamang siya maestro nito, isa rin siyang mabuting kaibigan ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At dahil substitute lamang siya, nagkakaroon pa ng problema sa kanyang kontrata. Ito rin ang dahil kung bakit nahuhuli ang kanyang sahod.

Katunayan, umabot na sa dalawang buwan na ni isang kusing ay wala siyang nakuha.

Nang malaman ito ng mga estudyante, di nagdalawang isip na tulungan ang kanilang guro.

Di man daw kalakihan ang napag-ambaganan nila ngunit alam nilang malaki ang maitutulong nito sa kanilang guro.

Dahil dito, hindi talaga naiwasan ng guro na maluha at maging emosyonal. Laking pasalamat niya sa munting paraan ng kanyang mga estudyante.

Narito ang kabuuan ng video na umabot na sa mahigit 7.8 million views

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel