Dalaga sa Valenzuela, malagim na pinaslang ng kanyang ex-boyfriend

Dalaga sa Valenzuela, malagim na pinaslang ng kanyang ex-boyfriend

- Patay ang isang dalaga sa Valenzuela City matapos itong pagsasaksakin ng kanyang dating nobyo

- Ayon sa pulisya, nagtamo ang biktima ng mahigit 20 saksak at halata raw na may intensyong patayin ito

- Nakuhanan pa ng isang dashcam video ang mga sandali bago ang malagim na krimen

- Kritikal naman ang kondisyon ng suspek na nagsaksak din sa sarili matapos mapatay ang biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patay ang isang dalaga sa Valenzuela City matapos itong pagsasaksakin ng kanyang dating kasintahan.

Kinilala ang biktima na si Carissa Pajuay, 25 taong gulang. Habang ang suspek naman ay si Richard Lao, 29, base sa ulat ng GMA News.

Ayon sa pulisya, nagtamo ang dalaga ng mahigit 20 saksak. Halata raw na may intensyong patayin ang biktima dahil sa mga tama nito sa katawan.

Nakuhanan pa ng isang dashcam video ang dalawa bago mangyari ang malagim na krimen.

Sa kuha ng video na mula sa isang residente roon, makikita si Pajuay na naglalakad habang may kausap sa telepono na napag-alamang nanay pala nito.

Ngunit pilit itong hinaharang ni Lao at hinahabol.

Maya-maya pa, makikita si Lao na nagtatakbo. Nakita rin sa video nang magsaksak ito sa sarili ng ilang beses.

Ayon naman sa kwento ng ina nito, kausap niya ang anak at ito mismo ang nagsabi na sinasaksak ito ni Lao.

Dali-dali raw nilang pinuntahan ang dalaga na pauwi na sana at malapit na sa kanilang bahay.

Nadatnan nila itong duguan at agad na isinugod sa ospital pero binawian din ng buhay habang nasa ambulansya pa lang.

Labis na pagluluksa ang nadarama ng mga magulang ng biktima dahil sa sinapit nito.

Dagdag pa ng ina nito, minsan na raw pinasok ng suspek ang kwarto ng biktima at pinaghihiwa ng blade ang larawan ng dalaga.

Hinala ng pamilya ng biktima at ng mga pulis, posibleng nais na makipagbalikan ng suspek sa biktima ngunit tumanggi na ang huli.

Ayon sa nanay nito, hiniwalayan ng kanyang anak ang suspek dahil sa pagiging sobrang seloso nito.

Samantala, kritikal naman ang lagay ni Lao sa ospital kung kaya hindi pa ito nahihingan ng pahayag ng mga pulis.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang 18-anyos na lalaki ang arestado matapos saktan at gahasain ang isang lola sa Iloilo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel