Naghihingalong ama, nakipag-inuman pa sa mga anak isang araw bago pumanaw

Naghihingalong ama, nakipag-inuman pa sa mga anak isang araw bago pumanaw

- Nag-viral sa Twitter ang larawan ng 87-anyos na may taning na ang buhay na nakipag-inuman pa sa kanyang mga anak

- Kinabukasan, matapos makainom ng beer kasama ang mga anak, pumanaw na ito

- Sa kabila ng paglisan, mababakas naman sa huling larawan nito na naging masaya ang ama bago mawala sa mundo

- Maraming netizens din ang gumawa ng ganito kung saan pinagbigyan nila ang huling kahilingan ng kanilang mahal sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa Twitter ang nakakaantig na larawan ng 87-anyos na si Norbert Schemm.

Ayon sa Yahoo, may taning na ang buhay ni Norbert dahil sa biglaan niyang dinaing na colon cancer.

Nalaman ng KAMI na ang apo nitong si Adam Schemm ang nagbahagi ng larawan kung saan pinagbigyan si Norbert ng kanyang apat na anak na uminom ito ng beer kasama nila.

Pinagbigyan nila ang ama kaya naman mababakas sa larawan ang kasiyahan nito.

Kinabukasan matapos ang "inuman session", pumanaw na si Norbert.

Mabilis na nag-viral ang post at marami ang naka-relate sa ginawa nina Adam para sa kanyang lolo at kung saan pinagbibigayan na lamang nila ang kagustuhan ng mga ito.

Ang iba pa raw, maging ang paninigarilyo na pinagbabawal na sa naghihingalong mahal sa buhay ay pinagbigyan na rin nila.

Bagaman at nakalulungkot ang pagpanaw ng minamahal, mainam na napagbigyan sila sa kanilang huling mga kahilingan dito sa daigdig

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel