18-anyos na lalaki, suspek sa panggagahasa sa isang 77-anyos na lola

18-anyos na lalaki, suspek sa panggagahasa sa isang 77-anyos na lola

- Arestado ang isang 18-anyos na lalaki sa Iloilo dahil sa panggagahasa at pananakit

- Ang biktima, isang 77-anyos na matandang babae

- Ayon sa ulat, nasa ospital pa ang biktima na nagtamo ng sugat sa ulo at pribadong parte ng katawan

- Dalawang testigo ang lumutang na nagdiin sa kaso laban sa suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang isang 18-anyos na lalaki sa Concepcion, Iloilo nito lamang Lunes dahil sa pananakit at panggagahasa.

Ang biktima, isang 77-anyos na matandang babae ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Kinilala naman ang suspek na si John Rey Clamares.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pinasok umano ng suspek ang matanda sa kanyang bahay noong Lunes ng madaling araw.

Hinampas nito ng matigas na bagay ang biktima.

Sabi pa sa ulat, dalawang witness ang lumutang na nagdiin sa kaso laban sa suspek.

Sinampahan na ng kasong rape with frustrated homicide ang lalaki.

Samantala, nanatili sa isang ospital sa Iloilo City ang biktima dahil sa natamong sugat sa ulo at pribadong parte ng katawan.

Napag-alaman ding mayroon itong mga kagat sa katawan.

Nasuklam naman ang ilang netizens sa balitang ito.

"I'm so disappointed on how the youth was being monopolized by new era (social media)."

"Kawawa naman si lola. Nakakalungkot mabalitaan mga ganyan."

"Grabe binigyan pa ng trauma yung lola."

"Baliktad na mundo.. Pati senior nanganganib na.. Ayoko ng lumabas ng bahay."

"Ang dami ko ng iniisip dumagdag pa ito."

"Di lang pala dapat bata ingatan sa panahon ngayon pati na rin pala mga lola."

"Bakit?anong merun?anong kulang sa batang ito bakit nagawa nya yn?"

"Nakakahigh blood."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel