Reporter ni Tulfo, naluha matapos tulungan ang PWD na mag-aaral sa kolehiyo

Reporter ni Tulfo, naluha matapos tulungan ang PWD na mag-aaral sa kolehiyo

- Di napigilang maluha ng staff ni Raffy Tulfo matapos matulungan ang estudyanteng PWD na dumulog sa kanilang programa

- Sinadya pa ng estudyanteng si Christian Ammay ang opisina ni Tulfo mula Quirino, Isabela

- Humingi ito ng tulong sa programa upang makatapos siya ng pag-aaral

- Bukod kasi sa hirap na itong maglakad, malabo din ang paningin nito

- Sa kabila ng kanyang kalagayan, sinisikap pa rin niyang makatapos sa pag-aaral

- Masaya ang mga magulang ni Christian na natulungan ang kanilang anak na nilarawan nilang masipag at matalino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbiyahe pa mula Quirino, Isabela ang 30-anyos na si Christian Ammay patungo sa opisina ng programa ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na nais nitong humingi ng tulong para sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Sa episode ng Raffy Tulfo in action, na may pamagat na Reporter ni Idol Raffy, di napigilang umiyak sa tinutulungang PWD.

Masaya si Christian nang makaharap niya ang kanyang Idol Raffy lalo pa nang sabihin nitong ibibigay ang lahat ng kahilingan niya.

Bukod kasi sa hirap siyang maglakad, malabo na rin ang paningin nito.

Unang pinagawa ni Tulfo ang pagpapatingin ng mata kay Christian na ginawa kinabukasan.

Nabigyan siya ng angkop na salamin upang di na manlabo ang kanyang paningin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hinatid siya ng staff ni Tulfo hanggang Quirino. Doon mas nakilala pa nila kung anong klaseng tao si Christian at kung ano ang buhay na kanyang kinahaharap araw-araw.

Nalaman nila mula sa mga kaklase at mga guro nito na sadyang masipag at gusto talagang matuto ni Christian. Pinagmamalasakitan din siya ng kanyang mga propesor at isa pa nga sa mga ito ang siyang nagbigay ng pamasahe sa kanya upang makapunta kay Tulfo.

Pinamili rin ng gamit si Christian at maging laptop na kinakailangan niya sa eskwela.

Nakilala rin ng reporter ni Tulfo ang mga magulang ni Christian. Doon, nalaman niya kung gaano ito kasipag at katiyaga na mag-aral.

Labis ang kasiyahan ng ina ni Christian at sa wakas ay natulungan ang kanyang anak.

Di napigilang maluha ng reporter dahil din sa emosyonal na tagpong ito.

Narito ang kabuuan ng episode:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel