Taiwanese-Canadian model, nasawi habang nasa shooting ng 1 reality show

Taiwanese-Canadian model, nasawi habang nasa shooting ng 1 reality show

-Nasawi ang Taiwanese-Canadian model na si Godfrey Gao habang nasa shooting ng isang reality show sa China

-Ayon sa mga ulat, bigla na lamang nag-collapse ang modelo sa set ng TV show na "Chase Me"

-Isang statement na rin ang inilabas ng management company na humahawak kay Gao kaugnay ng nangyari

-Si Gao ang kauna-unahang Asian model na naging mukha ng sikat na International brand na Louis Vuitton

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasawi ang Taiwanese-Canadian model na si Godfrey Gao habang nasa shooting ng isang reality show sa China

Ayon sa ulat ng PhilStar (Author, Agence France-Presse), bigla na lamang nag-collapse ang 35-anyos na modelo sa set ng TV show na "Chase Me".

Ang nasabing palabas ay isang competitive sports reality show mula sa Zhejiang Television.

Kinumpirma ng naturang network sa isang statement ang insidente ay sinabing biglang bumagal ang pagtakbo ni Gao at bumagsak.

Isinugod sa ospital si Gao ngunit nasawi rin matapos ang halos tatlong oras.

Ayon sa ospital, sudden cardiac arrest ang ikinamatay ng modelo.

Ikinalungkot naman ng fans ni Gao ang maagang pagpanaw nito at nagpabatid ng kanilang pakikiramay.

Maging ang mga kaibigan nito sa industriya ay nagulat din sa pangyayari.

"Rest In Peace Goddy Godfrey."

"Bro ... No ... Tell me this isn't real."

"Thank you for being a part of helping underprivileged children in the world!"

"I Can’t believe this ...ugh. Had the pleasure of working with Godfrey on a movie before & he’s as rare as they come. Still in shock. RIP."

"Be happy in the other world. Thanks for coming here."

Si Godfrey Gao ay isang Taiwanese-Canadian model na nagmula sa Taipei, Taiwan.

Binansagan itong Asia's first male supermodel.

Siya rin ang kauna-unahang male Asian model na napasama sa isang campaign para sa sikat ng International brand na Louis Vuitton.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel