Lolo sa viral video na namumulot ng natapong bigas, makakapagnegosyo na

Lolo sa viral video na namumulot ng natapong bigas, makakapagnegosyo na

- Dahil sa nag-viral ang video ng lolo na si Dominador "Nading" Serrano kung saan tinulungan siya ng girls basketball team

- Nahulog kasi ang supot ng bigas na dala ng matanda at nakita siya ng dumaraang mga basketball team at pinalitan na lamang ng mga ito ang natapong bigas ng lolo

- Napansin ang kwentong ito ng "Energy FM" sa kanilang lugar kaya naman natulungan maging ang pamilya ng matanda

- Ngayon, muli na naman siyang nabiyayaan dahil muling dumagsa ang mga nagpaabot ng tulong sa matanda

- Bukod sa mga gamit sa bahay at mga pagkain, nakatanggap din ang pamilya ni Lolo Nading ng ₱37,000

- Malaking bagay na raw ito sa kanilang pamilya na dalawa ang inaalagaang may karamdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling natulungan si Lolo Dominador "Nading" Serrano na nasa viral video kung saan nakunan siyang namumulot ng natapong bigas sa kalsada.

Sa unang ulat ng KAMI, binahagi ang video kung paanong tinulungan si Lolo Nading ng girls basketball team ng Altavaz National High School sa Kalibo.

Dahil sa viral video, marami ang nagpaabot ng paunang tulong sa matanda lalo pa nang malaman nila ang kalagayan nito.

Di na makabangon ang misis nitong nakaratay na lamang samantalang ang kanyang isang anak na inaasahan din niya sa buhay ay naaksidente at baldado na rin.

Kaya naman napipilitan itong magtinda ng gabi sa kanilang palengke na siyang pinambibili nila ng makakain.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ang dahilan kung bakit naisipan niyang pulutin pa rin noon ang natapong bigas sa hirap kumita ng pera pambili ng pagkain.

Matapos ang isang linggo, binalikan muli ng Energy FM sa Kalibo ang kinaroroonan ni Lolo Nading dahil mayroon na namang nagpadala ng tulong sa kanilang pamilya.

Mga gamit sa bahay gaya ng mahihigaang kutson at umaapaw na mga pagkain ang dala ng radio anchor na si Archie Hilario at kanyang mga kasama.

Ito ay ang mga pinagsama-samang tulong mula sa iba't-ibang panig ng mundo na nakapanood ng video ni Lolo Nading.

Di lamang ito, umabot na rin sa ₱37,000 ang cash donations sa matanda na siyang gagamitin niya upang magsimula raw ng munting negosyo.

Tunay na nakakataba ng puso ang pagdagsa ng tulong sa pamilya ni Lolo Nading. Kahit na paano ay makararamdam siya at kanilang pamilya ng ginhawa sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel