Pulis na ginawang shield ang sarili sa pagsabog ng granada sa 1 paaralan, patay

Pulis na ginawang shield ang sarili sa pagsabog ng granada sa 1 paaralan, patay

- Patay ang isang pulis sa Misamis Oriental matapos nitong iharang ang sarili mula sa isang granada

- Ayon sa ulat, rumesponde ang pulis matapos may maiulat na isang lalaking may hawak na granada ang palakad-lakad sa isang paaralan doon

- Inihagis ng suspek ang granada habang kinokompronta ito ng nasawing pulis

- Patay din ang suspek matapos itong barilin ng isa pang pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patay ang isang pulis sa Misamis Oriental matapos nitong iharang ang sarili mula sa pagsabog ng isang granada para protektahan ang iba.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, isang ulat ang natanggap ng Initao Police station tungkol sa isang lalaking may hawak na granada at palakad-lakad sa Initiao College sa nasabing bayan.

Rumesponde naman ang pulis na si Police Major Seargent Jason Magno.

Inihagis ng suspek ang granada sa gitna ng komprontasyon sa mga pulis.

10 iba pa ang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Patay din ang hindi pa nakikilalang suspek matapos itong barilin ng partner ni Magno na si Police Major Sargeant Alice Balido.

Agad namang isinugod sa ospital si Balido at iba pang sugatan sa ospital.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso.

Ikinalungkot ng maraming netizens ang balitang ito.

"My salute and respect to you sir."

"Bless this brave Policeman who made himself a human shield to protect those in the line of..."

"Snappy salute Sir. True hero."

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ng magiting na alagad ng batas at maituturing na bayani na si Police Major Seargent Jason Magno.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel