Biyenan ni misis na bugbog-sarado kay mister, nakatikim kay idol Raffy

Biyenan ni misis na bugbog-sarado kay mister, nakatikim kay idol Raffy

- Hindi napigilan ni idol Raffy ang sermunan ang isang ginang na sinisi pa ang manugang na babae sa kabila ng pananakit ng anak nito

- Inihalintulad pa ito ni Tulfo sa mga netizens na tinawag nitong mga "kengkoy"

- Inireklamo kasi ang anak nito ng pangbubogbog ng kinakasama nito at nagpakita pa ng medico legal

- Ayon pa sa reklamo ng manugang nito, nanood lamang umano ang kanyang biyenan habang siya sinasaktan ng anak nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nagustuhan ni Raffy Tulfo ang paninisi ng isang ginang sa manugang nito na bugbog-sarado sa anak nitong lalaki.

Sa halip kasi na pumagitna ang ginang sa away ng anak nito at sa kinakasama ay sinabi pa nitong kasalanan ng babae kung bakit ito nasaktan.

Inireklamo kasi ni Sharaine delos Reyes sa programa ni Tulfo na Wanted sa Radyo ang kinakasama nito na si Ian Richard Meneses.

Ayon sa panayam kay delos Reyes, matagal na siyang sinasaktan ni Meneses ngunit pinapatawad daw niya ito alang-alang sa kanilang anak.

Alak at barkada ang madalas na dahilan ng kanilang away. Tahasan na rin daw sinabi sa kanya ng lakaki na hindi na siya nito mahal.

Ngunit matapos ang matinding pananakit ng lalaki ay naglakas-loob na itong humingi ng tulong sa kanilang barangay.

Nagpost din sa social media si delos Reyes na agad namang nag-viral at ilang netizens ang nag-udyok sa kanya na humingi ng tulong kay idol Raffy.

Samantala, hindi muna nagbigay ng pahayag ang inirereklamong lalaki at sa halip ay ang nanay nitong si Josephine Meneses ang siyang nakausap ng programa.

Itinanggi nito na ang akusasyon ni delos Reyes na kinukunsinti niya anak at naging kasabwat siya sa pananakit dito.

Giit nito, madalas mag-eskandalo si delos Reyes sa kanilang lugar simula pa lang nang magsama ang dalawa.

Ngunit hindi nagustuhan ni idol Raffy ng sabihin nitong kasalanan naman ni delos Reyes kung bakit siya nasaktan ng anak.

Inihalintulad pa ito ni Tulfo sa mga netizens na tinawag nitong "kengkoy".

Ayon kay idol, hindi sapat na dahilan ang pang-aaway ni delos Reyes sa lalaki dahil sa alak para saktan ito.

Posible rin daw na makasuhan si Mrs. Meneses dahil nanood lamang umano ito habang ginugulpi ng anak ang babae na itinanggi nito.

Ngunit mariing iginiit ni delos Reyes na itutuloy niya ang kaso laban sa kinakasama at sa nanay nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel