Alex Gonzaga, nag-react sa isyung kinakaharap ni Raffy Tulfo

Alex Gonzaga, nag-react sa isyung kinakaharap ni Raffy Tulfo

- Nagbigay ng pahayag ang Kapamilya actress at vlogger na si Alex Gonzaga sa isyung kinakaharap ni Raffy Tulfo

- Kamakailan lamang ay naitampok si Gonzaga sa programa ni Tulfo

- Naging tapat at deretso ang kilalang aktres sa kanyang sinabi kaugnay ng naging aksyon ni Tulfo sa viral na kaso ng isang public teacher

- Matatandaang umani ng pangbabatikos si Tulfo dahil kanyang naging aksyon sa viral na reklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay ng pahayag ang Kapamilya actress at celebrity vlogger na si Alex Gonzaga sa isyung kinakaharap ng broadcast journalist na si Raffy Tulfo.

Sa isang ulat ng Philippine News, sinabi ni Gonzaga na napanood niya ang show ni Tulfo at nakita ang paghingi nito ng tawad.

Inamin nito na maging siya rin naman daw ay lumalagpas sa limitasyon at nagkakamali.

“Parang for me, parang ako rin naman, lahat naman tayo, minsan nag-ooverboard, nagkakamali,” anito.

Kaugnay ito ng kaso ng public teacher na si Melita Limjuco na inireklamo sa programa ni idol dahil sa pagpapalabas nito sa isang estudyante para disiplinahin.

“Pero the fact na nakita ko ‘yung (show) n’ya, nag-sorry s’ya, pinakita n’ya ‘yung sinasabi n’ya na pinakikinggan n’ya netizens.

"I think na parang I’m not here to judge kasi ako rin naman marami akong naging mali na nagawa na they think nag-overboard ako. So I think, alam ni Sir Raffy ‘yung tama," dagdag pa nito.

Kamakailan lang ay naitampok si Gonzaga sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action kung saan inireklamo nito kunwari ang inang si mommy Pinty.

Maging ang batikang mamamahayag at Kapuso broadcast journalist na si Arnold Clavio ay nagbigay din ng kanyang honest na pahayag kaugnay ng format ng show ni Tulfo, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa isa pang ulat ng KAMI, nilinaw ni idol Raffy kung bakit siya apektado sa kaso ng batang napalabas ng guro.

Nagpasalamat din si Tulfo sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng mainit na isyung kinakaharap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel