Gatas ng ina, di inaasahang naging pamuksa ng cancer ng mga doktor sa Sweden

Gatas ng ina, di inaasahang naging pamuksa ng cancer ng mga doktor sa Sweden

- Di inaasahan ng mga doktor na matutuklasan nila na ang gatas na mula sa ina ay maaring pamuksa sa cancer

- Bukod sa napakaraming sustansiya na naibibigay nito sa sanggol, may malaking potensyal din ito para maging lunas sa cancer

- Maging ang mga doktor na aksidenteng nakatuklas nito ay nagulat sa kinalabasan ng kanilang pagsasaliksik

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa dinamirami ng mga magagandang naidudulot ng gatas ng ina sa mga sanggol na nakakainom nito, dumagdag pa rito ang posibilidad na ito'y maging pamuksa ng cancer.

Ayon sa ulat ni Marie Claire Dorking ng Yahoo Style UK, isang grupo ng mga doktor sa University of Lunt sa Sweden ang aksidenteng nakatuklas nito.

Nakita nila ang compound sa gatas ng ina at ang isa na tinawag nilang Hamlet ang maaring makapuksa sa mga cancer cells.

Gatas ng ina, nakitang maaring maging pamuksa sa cancer

source: Cbs news
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aksidente lamang daw ang pagkakatuklas nito dahil ang talagang pinagtutuunan nila ng pansin ay ang pagbuo ng antibiotics.

Nang idagdag daw nila ang gatas ng ina sa kanilang eksperimento sa buhay na tumor, laking gulat nila na napuksa ito.

Kanilang napag-alaman na kapag ito ay naglalabas ng protinang tinatawag na alpha-lactalbumin, tinatarget nito ang cancer cells.

Nakikita nila ngayon ang gatas ng ina bilang alternatibo sa chemotherapy at radiotherapy treatments.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel