82-anyos na lolong bulag at matiyagang nagtitinda pa rin ng balut, natulungan

82-anyos na lolong bulag at matiyagang nagtitinda pa rin ng balut, natulungan

- Isang 82 anyo na matanda ang nagtitinda pa rin ng balut gabi-gabi

- Napili siyang tulungan ng isang vlogger na namamalagi sa bansa

- Pinakain niya sa labas ang lolo at ipinamili ng mga damit at iba pang gamit

- Nangako rin ang vlogger na bibigyan niya ng buwanang sustento ang lolo para sa gamot nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nagpakita ng kabutihan ang Syrian vlogger na si Basel Manadi sa isang 82-anyos na balut vendor mula sa Biñan Laguna.

Kwento ni Basel, pinadala raw sa kanya ng netizens ang larawan ng lolo kaya naman sinadya niya ito.

Ngunit dahil sa gabi na siya nakarating sa kinaroroonan ng matanda, inihatid na lamang niya muna ito pauwi matapos niyang pakyawin ang mga paninda nito.

Kinabukasan, isinakatuparan niya ang kanyang misyon na pasayahin ang lolo sa pamamagitan ng pagpasyal sa kanya at pamimili ng mga damit at iba pa niyang mga pangangailangan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanilang paglabas, napakarami na nilang napagkwentuhan at doon nalaman ng vlogger na 50 taon na palang nagtitinda ng balut ang lolo na siyang pangunahing pinagkakakitaan niya para buhayin ang kanyang pamilya.

Hirap man sa kalagayan niya dahil bulag na ang isang mata nito, patuloy pa rin siyang naghahanapbuhay para may kitain.

Hanggang ngayon, kinakailangan pa rin daw nitong magtrabaho dahil sa malayo raw ang kanyang mga anak sa kanya.

Bakas sa mukha ng matanda ang labis na kaligayahan sa surpresang tulong ni Basel sa kanya.

Nangako pa ang vlogger na magbibigay siya ng buwanang sustento para sa gamot ng lolo.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica