Binata, nagtrabaho bilang construction worker para maibili ng regalo ang GF

Binata, nagtrabaho bilang construction worker para maibili ng regalo ang GF

- Hindi mapigilang ibahagi ng isang dalaga ang kasweet-an ng kanyang nobyo sa social media

- Ang nobyo kasi ng dalaga ay nagtrabaho bilang isang construction worker para mabilihan siya ng regalo sa darating niyang kaarawan

- Hindi nito inaasahan na kaya pala itong gawin para sa kanya ng nobyo

- Napa-sana all naman ang mga netizens sa post ng dalaga na libo-libo na ang shares

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Touched na touched ang isang dalaga sa kasweet-an ng kanyang nobyo na ibinahagi pa nito sa social media.

Sa post ng netizen na si Jezyll Cabudbud, ipinahayag nito ang kanyang paghanga sa kanyang boyfriend na si Steven San Juan.

Anito, nagtrabaho bilang contruction worker si Steven para maibili siya ng regalo para sa kanyang darating na kaarawan.

Ibinahagi rin nito ang sinabi ni Steven nang tanungin niya ito kung bakit kinailangan nitong magtrabaho kahit wala naman silang pinagkakagstusan na ganoon kalaki.

"I ask him bakit kaylangan nya pang magtrabaho hindi naman kaylangan kasi wala pa naman kami masyadong pinag gagastusan and he answered me," ayon sa caption ni Jezyll.

"Him: para sayo para sa birthday mo, pinag iipunan ko kasi yon para kapag dumating yung araw nayon may maibigay manlang akong regalo sayo miski simple lang," dagdag pa nito.

Ipinahayag din ng dalaga ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa nobyo sa nasabing post.

"So to make the story short hindi na ako nagsalita that time kasi na speechless nako my heart melts bigla nalang akong napaisip, na sobrang swerte ko sa taong to hindi man sya yung lalaking pinaka perpekto sa mundo sya naman yung taong kayang ibigay lahat ng makakaya nya maparamdam lang sayong mahal ka nya. hindi kagaya ng iba na puro papogi , at puro pasarap lang," ani pa ni Jezyll.

Maraming netizens ang napa-sana all sa viral post na ito ni Jezyll na umabot na sa mahigit 40K shares sa FB.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel