Arnold Clavio, nagbigay ng pahayag kaugnay sa show ni Raffy Tulfo

Arnold Clavio, nagbigay ng pahayag kaugnay sa show ni Raffy Tulfo

- Nagbigay ng pahayag ang Kapuso broadcast journalist na si Arnold Clavio tungkol sa show ni Raffy Tulfo

- Dito inamin niyang hindi niya pa kaya ang gumawa ng katulad ng show ni Tulfo na seryoso ang format

- Naging tapat ang batikang mamamahayag sa kanyang opinyon

- Matatandaang naging kontrobersyal si Tulfo dahil sa kaso ng gurong si Melita Limjuco na inireklamo sa programa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahingan ng pahayag ang Kapuso broadcast journalist na si Arnold Clavio ng reaksyon kaugnay sa kontrobersyang kinasasangkutan ng isa pang journalist na si Raffy Tulfo.

Ayon sa ulat ng Philippine News, inamin ni Clavio na hindi pa siya handa sa format ng programa ni Tulfo.

Natanong kasi ito kung handa ba ito sakaling alukin siya ng ganitong format ng programa.

“Ay, hindi, e! May kanya-kanya tayong lakas. Ang sa akin, more on sa news ako,” sagot ni Igan.

“Wala naman akong background sa law, mahirap kong balansehin yung mga sumbong. Ngayon, maingat ka baka maunahan ng sumbong, kawawa naman,” dagdag pa niya.

Matatandaang sunod-sunod na batikos ang natanggap ni Tulfo dahil sa kanyang naging aksyon sa kaso ng gurong inireklamo sa programa nito.

May ilang guro pa nga ang nagsulong ng isang online petition laban kay Tulfo kaugnay ng isyu na una nang naibalita ng KAMI.

Humingi naman ng paumanhin si idol dahil daw sa "lapse in judgement" niya nang papiliin niya ang gurong si Melita Limjuco kung magre-resign ito o haharap sa mga kasong administratibo at kriminal.

Sa kanya namang programa na Wanted sa Radyo, nilinaw ni Tulfo kung bakit siya apektado sa sumbong tungkol sa batang napalabas ng guro sa classroom na una nang naiulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel