'Christmas in our Hearts' live! Jose Mari Chan, sinurpresa ang mga pasahero ng LRT1

'Christmas in our Hearts' live! Jose Mari Chan, sinurpresa ang mga pasahero ng LRT1

- Agaw-eksena si Jose Mari Chan nang kantahin niya popular niyang Christmas song sa LRT1

- 1990 pa nang unang nai-release ang kantang ito at magpasa-hanggang ngayon, ito na ang naging hudyat ng kapaskuhan sa bansa

- Marami ang natuwa sa surpresa na ito ni Jose Mari Chan at mas naramdaman nila ang paparating na kapaskuhan

- Sinang-ayunan naman ito ng mga netizens na natuwa rin nang makita ang video.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinurpresa ng singer/businessman na si Jose Mari Chan ang mga pasahero ng LRT1 nang kantahin nito ang popular niyang pamaskong kanta na "Christmas in our Hearts."

Ayon sa Inquirer, naimbitahan ang singer ngayong Miyerkules, Nobyembre 27 na labis na ikinatuwa ng mga pasahero.

Maging ang mga opisyales ng LRT1 na kasama ni Jose Mari ay natuwa nang kantahin nito ang Christmas song na unang pinasikat noon pang 1990.

Mula noon, ito na ang nagsisilbing hudyat ng kapaskuhan sa Pilipinas.

Ito na rin kasi ang madalas kantahin sa mga Christmas parties at sa pangangaroling.

Dahil sa awiting ito ni Jose Mari, mas lalo raw nararamdaman ng mga Pinoy na nalalapit na talaga ang kapaskuhan sa bansa.

Kaya naman ang mga pasahero na nakapanood at nakarinig sa kanya ng live ay labis na nagagalak dahil mas ramdam nila ang pasko kung Christmas in our Hearts ang tugtog.

Sinang-ayunan naman ito ng mga netizens na natuwa rin nang makita ang video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"How heartwarming!"
"Kontrolado na talaga niya kahit saan, maririnig na ang kanyang mga awitin, pati LRT 1 tinira na,,lodi!!!!"
"So sweet of you Jose Mari Chan, happy holidays to you and your family!"
"Hala, naiiyak ako... pasko na talaga."
"Thanks for the song Mr.Jose Mari Chan god bless po"
"I love it, Christmas is almost here!"

Narito ang video na orihinal na kuha ni Jeffrey Jan Escosio:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the streets. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel