Katotohanan sa isyu ng viral kikiam sa SEA Games, inilahad ng sangkot na hotel

Katotohanan sa isyu ng viral kikiam sa SEA Games, inilahad ng sangkot na hotel

- Isang statement ang inilabas ng hotel na nag-accommodate sa Philippine women's football team kaugnay ng viral na isyu ng kikiam na inihain daw sa mga ito

- Dito, inilahad ng pamunuan ng hotel na ang insidente ay resulta lamang ng kakulangan ng komunikasyon

- Ayon pa sa hotel, paulit-ulit na raw na humingi ng tawad ang coach na si Let Dimzon dahil sa pangyayari

- Sinabi rin ng hotel kung paanong nag-ugat at kontrobersyal na agahan ng mga atleta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang statement na inilabas ng Whitewoods Leisure and Convention, ang hotel na nag-accommodate sa Southeast Asian Games athletes kabilang na ang Philippine women's football team.

Dito inilahad ng pamunuan ng hotel na ang insidente ay resulta ng kakulangan ng komunikasyon.

Paglilinaw din ng Whitewoods, chicken sausage at hindi kikiam ang inihanda nila para sa mga atleta.

Sinabi rin nito na paulit-ulit nang humingi ng paumanhin ang coach na si Let Dimzon, ang coach na siyang nagsabing kikiam at itlog ang inihandang agahan para sa mga atleta na talaga namang nagviral at una nang naiulat ng KAMI.

"The coach who released a statement to the media has repeatedly apologized to our staff and management for the erroneous Kikiam comment; however, the statement had already gone viral before she could make corrections," ayon sa statement.

Niliwanag din ng Whitewoods na wala si Dimzon sa breakfast buffet at inihayag ang ugat ng kikiam issue.

"This coach admitted that she was not present during the breakfast buffet. She saw the chicken sausage in a plastic container (which is not a hotel container, as we do not use plastic for packed meals) and assumed that this was the full breakfast offering," sabi pa sa statement.

Sa isang liham na ipinadala sa Rappler ng presidente at chairman of the board na si Edgardo M. Capulong na naka-address sa Philippine Sports Commission (PSC) chairman na si William "Butch" Ramirez, tinuligsa nito ang naging "behaviour" ng ilang atleta kaugnay ng kikiam issue.

"We are so sad because our very own Pinoy athletes are the very first [ones] to destroy our dignity as Filipinos. Where is our sense of nationalism," anito.

"What is the point of winning gold for our country if we recklessly destroy other people and our honor as a nation and Philippine Sports Commission as an institution."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel